PWEDE BANG MAGSALITA NA HINDI MABA-BASH? [PARA SA MGA KAPWA KO CHRISTIANS] May karapatan po ang bawat kandidato na tumakbo. Hindi man qualified sa qualifications mo, basta qualified sa qualifications ng COMELEC, allowed yan ng state. Eh di wag mo po iboto kung sa pananaw mo ay hindi karapat-dapat Wag mo po iboto kung sa pananaw mo ay walang nagawa Wag mo po iboto kung sa pananaw mo ay liko ang character Wag mo po iboto kung sa pananaw mo ay mamamatay tao o magnanakaw May karapatan kang bumoto, pero may karapatan at kalayaan din ang iba na iboto ang tingin nilang tama. Ang botohan po ay hindi sa facebook. Gusto mo ipaglaban ang tingin mong tama, by all means go! Take a stand. Tama yan! Karapatan natin yan. Sa ganitong sitwasyon, magandang tanungin, “What would Jesus do?” Pero maganda ding matanong, “What would Jesus feel seeing the church fighting each other?” So, mali ang kaibigan mo for voting the “enabler”? So, mali ang kaibigan mo for voting the “incompetent”? So, mali ang kaibigan mo for voting the “balimbing”? So, mali ang kaibigan mo for voting the “uneducated or inexperienced”? So, kung mali ba iboboto niya, ibig po bang sabihin tama ka? I say this respectfully, pero what makes you think na yung manok natin ang tamang kandidato? Nothing is certain. Lahat tayo naniniwala that we are voting for the right person to be the president or mayor. Pero yan ay madalas based sa past and present morality, accomplishments and capabilities. What about the future? NAKAKALASING PO ANG KAPANGYARIHAN at kahit sino ay pwedeng mabago nito kapag naging presidente o nasa posisyon na. Sa aking pananaw, may mga politiko na malinis ang intensyon sa simula, maganda ang track record sa nakaraan, pero tila binago ng kapangyarihan ang kanilang mga prinsipyo. Hindi po tayo sigurado talaga sa future. That’s why we cannot afford to stop praying for our country. Ipaglaban natin ang katwiran, hustisya and good governance. Whoever wins, pray that God will work all things together for our nation. Kaya mas lalo tayong higit na kumonsulta sa Lord at humingi ng guidance. At the end of the day, will padin ng Lord naman ang ating gustong mangyari diba? Pwede tayong magkamali sa pagpili, pero ang Lord hindi po. Kahit sino naman iboto nila, makakaboto ka padin naman. So, kesa awayin mo siya, sa balota mo isulat yung boto mo. Mag-usap at maging bukas sa opinion ng isa’t isa. Na-unfriend mo na agad kasi, e what if uneducated lang siya? What if misinformed lang po siya? E di you lost the opportunity to help them and possibly introduce Jesus to them? Kung atheist ba ang isang tao, dapat ba ako magalit sa kanya sa pagiging atheist niya o mas maigi na maging mabuting Christian ako to win them? Eh pastor “sarado isip e”, “nang-aaway po sila e”, “ambaba ng morality nila”. All the more, we need to PRAY FOR THEM and EDUCATE THEM RESPECTFULLY. Kami nga bilang pastor andami naming nakakasalamuha na sarado din ang isip sa gospel, righteousness, and Christian living pero imbes na i-unfriend, pray for them and educate them. Sarado isip niya sa politics, pero pwede din na sarado isip mo sa discipleship o giving, pero hindi naman tayo nagalit sa isa’t isa. Ang mali, ay mali. Nakaraan man yan o kasalukuyan, Wag ipagtanggol ang mali, pero wag din naman maging mapagmalaki kung sa ating tingin ay tayo ang tama. So, exercise wisdom not just in voting, but also in expressing your beliefs. Young people, express your sentiments in a respectful way Adults, respect the opinion of the younger generation Guys, Christians tayo ha? Ipaglaban ang tama pero maging magalang. James 1:19 says this, “Understand this, my dear brothers and sisters: You must all be quick to listen, slow to speak, and slow to get angry.” Nagmamahal, Pastor SP
1 comment
Let us all pray that voters will think and vote wisely. Let us stand united to have good leaders to manage our country. God bless po.