Pawikan

0 11
Sponsors of Azialg
empty
empty
empty

Kahit anong laki ng alon ang aking kaharapin

Di magpapadaig sa dambuhalang agos ng tubig

Kahit pag suko ay hindi ko gagawin

Pagkat ako ay nagmula sa pag-ibig

Mula sa dilim, minulat ko ang aking mata

Nakita ang liwanag, lahat ng nilikha

Iginalaw ang mga paa, natutong humakbang

Iniisip ko, sa mundo, ako ba'y may puwang?

Doon nagsimula ang aking paglalakbay

Na tanging Diyos ang aking gabay

Mag isang hinarap ang bawat lalim ng karagatan

Hindi alam kung saan tutungo, hindi alam ang hangganan

Pinagasgas ko ang aking kamay

Nilangoy ang lawak at layo ng buhayb

Pawikan man ako o tao

Haharapin ko ang mga agos ng mundo

2
$ 0.00
Sponsors of Azialg
empty
empty
empty

Comments