I hates cats. I am scared of them. They seem to be plotting something. One night I caught one cat staring at me intently outside my window. I was so sure the cat’s eye turned red. Its fangs grow longer and its claws seem to grow larger. I think it wants to kill me. Gnaw unto my flesh and tear me to pieces. That is why I always avoided them. I think they are evil creatures lurking from the corners waiting for a victim to fall for their cuteness. They are not cute at all. I’m warning you all to be careful. Don’t be dupe! Beware of Cats!
Isa ang pusa sa pinakasikat na alagang hayop sa buong mundo. Maraming tao ang nahuhumaling sa taglay na kariktan nito. Kaya naman maraming tao ang gustong magkaroon ng alagang pusa. Pero para kay Catherine Mao hindi kaakit akit ang mga ito. Isa siya sa mga taong matatawag mong cat hater. Nagsimula ang pagkasuklam nya sa mga ito noong kalmutin sya ng pusang alaga ng matalik na kaibigan na si Melissa Cruz. Hanggang ngayon sariwa parin sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa araw na iyon.
Kaarawan noon ng ina ni Melissa at isa sya sama dumalo. Alam ng kaibigan niyang siya ay mahiyain kaya ito na ang nagpresentang kukuha ng pagkain. Pinaupo na lamang sya nito sa sala. Tahimik syang nakaupo noon sa sofa ng may lumapit sa kanyang puting pusa. Matiim sya nitong pinakatitigan na tila ba gusto nitong sabihin na ayaw nito sa kanya.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin umaalis sa pagkatitig sa kanya ang pusa. Hindi mapakali sa kinauupuan si Catherine. Ayaw na ayaw nya kasing tinititigan sya. Lalo na at parang kakaiba ang titig nito sa kanya. Na ikuwento ng kaibigan na kakaiba raw ang kanilang alagang pusa dahil tila may isip ito. Sinubukan niyang pandilatan ito ng mata pero hindi ito natinag.
Dahan dahan itong lumapit sa kanya habang kumakawag ang buntot. Akala nya ay uupo ito sa sofa kaya naman umusog sya para bigyan ito ng espasyo. Pero iba ang pakay ng pusa. Walang pakuwan sya nitong kinalmot sa binti. Napasigaw sa sakit si Catherine. Naka mini skirt sya kaya naman sapol na sapol ang makinis niyang binti. Nag-iwan ng marka sa binti nya ang kalmot. Malalim ang pagbaon ng mga kuko nito kaya maraming dugo ang lumabas.
Sa sobrang inis ay hahampasin niya sana ito ng kanyang sling bag ng may biglang may humablot ng marahas sa kanyang mga kamay. Isang matanda na galit ang nakatitig sa kanya. Kilala niya ito. Lola ito ng kaibigan.
Bakit mo hahampasin si Lorenzo?, pagalit na tanong nito sa kanya.
Kinalmot nya po kasi ako lola, sabay turo nya sa binti nyang may kalmot. Siniyat naman ng matanda ang dumudugo nyang binti na may marka kalmot. Pero ngumisi lang ang matanda.
Kasalanan mo din iyan. Bakit kasi nagsuot ka ng maiksing palda. Ayaw ni Lorenzo makakita ng nakabalandrang binti, yamot na sermon nito.
Mukhang siya pa ata ang may sala ngayon. Nakalimutan nya, ito pala ang tunay na nagmamay ari ng may sa diyablong pusa. Bago pa muling magsermon ang matanda ay dumating na si Melissa. Agad itong lumapit sa kanya nang makita nitong dumudugo ang binti nya.
Sinabi nya ang nangyari sa kaibigan. Padabog namang umalis ang matanda habang akay ang alaga nitong pusa. Hindi man lang ito humingi ng pasensiya sa kanya. Ginamot ng kaibigan ang sugat nya at humingi ng paumanhin para sa pusa at sa inasal ng kanyang lola. Ayaw na ayaw raw kasi nitong sinasaktan ang alagang pusa. Parang tao na kasi kung ituring ito ng matanda at ito na lamang ang kinagigiliwan nito mula nang pumanaw na ang kanyang lolo. Sinabi na lamang ni Catherine na ayos lang sya at naiintindihan nya. Malaki ang tiwala niyang mawawala naman ang marka ng kalmot.
Pero nagkamali sya dahil kahit sampung taon na ang nakaraan naroon pa rin ang marka. Medyo malabo na ito at hindi naman kita kung hindi mo sisiyatin ng maayos. Ito ang nagpapa alala sa kanya na hindi mabait ang mga pusa. Kaya naman magmula noon hindi na sya pumupunta sa bahay ng kaibigan kapag naroon ang lola nito at ang diyablong pusa.
Nagkaroon sya ng phobia sa pusa dahil sa pangyayaring iyon. Iniiwasan niya rin ang mga nakikitang pusa sa kalye. Ipinangako niya sa sariling hinding hindi sya mag aalaga ng pusa kahit kailan. Kaya naman kahit sa mga disenyo ng damit o kahit anong gamit ay no cats allowed. Naging isang official cat hater na ang babaeng may pangalan na CATherine.
Sa edad na 25 ay isa ng senior accountant si Catherine. Para sa kanya ay natupad na ang mga pangarap nya. Maaga syang naulila at ang kanyang lolo at lola na lamang ang natitira niyang kamag-anak. Sila rin ang nagpa aral sa kanya. Ngunit nasa Siquiqor ang mga ito at sya naman ay nasa Maynila. Binibisita niya ang mga ito tuwing katapusan ng buwan.
Kung tutuusin ay nasa tamang edad na sya para mag-asawa. Financially stable na rin sya dahil marami na syang ipon. Pero nakapagplano syang sa edad na 29 pa sya magpapakasal. Sang ayon naman rito ang kanyang nobyo na limang tao na niyang karelasyon. Isa itong piloto kaya madalang lang kung sila ay magkita pero hindi naging hadlang iyon para maging matatag ang kanilang relasyon. Pareho silang mature kung mag isip at mauunawain kaya siguro naging matagal ang kanilang pag-iibigan.
Unang araw ng Agosto. Abala si Catherine sa pag browse ng mga items sa shopee. Malapit na kasi ang ika 26 na kaarawan ng kaibigan niyang si Melissa. Kaarawan na nito sa susunod na linggo. Tinawagan sya nito at inimbitahang dumalo sa birthday party nitong gaganapin sa ancestral house nila sa Capiz. Tbh she doesn’t like the venue pero hindi sya nagkomento pa. Doon kasi nakatira ang lola ng kaibigan at sigurado syang naroon din ang diyablong pusa nito.
Pero dahil ayaw niyang magtampo ang pinakamatalik niyang kaibigan ay magtitiis muna sya. Siguro ay iiwasan nya nalang na magtagpo ang landas nila ng lola nito at ang alaga nitong diyablong pusa. Sa tansya niya ay nasa early 80’s na ang lola ng kaibigan. Mukha itong malusog kaya siguro tumagal ang buhay pero ang pusa nito ang pinagtataka nya. Sa pagkakaalamn nya nasa sampu hanggang labinlima ang buhay ng mga pusa. Sa tingin nya ay higit limang taon na ito noon. Pero sa pinakitang litrato ng kaibigan nya last year ay parang hindi nagbago ang itsura nito mula nang huli nya itong makita. Siguro nga ay totoong may siyam na buhay talaga sila.