Buhay sa ibang bansa

0 13
Avatar for Ashy
Written by
4 years ago

Napakasarap pakinggan para sa taong hindi pa nakakaranas nito. Pero hindi nila alam ang tunay na nararanasan nang isang taong nangibang bansa. Ito ang tunay Pangungulila, sakripisyo, lungkot, pagtitiis para sa pamilya at mahal mo sa buhay na naiwan mo sa pilipinas. Hindi mo maririnig ang salitang pagod na ako lalo't nakikita nilang masaya ang mga mahal nila sa buhay. Kahit pagod nakangiti parin. Minsan iiyak nalang dahil sa pagod kumakayod para may ipangpaidala. Kahit gustong bumili ng magandang gamit para sa sarili hindi pwede. Pero masaya rin naman ang buhay sa ibang bansa marami kang nakikilalang ibang tao lalo kapag nakakita ka ng iyong kababayan. Kwentuhan ng walang humpay. Hay sana makauwi rin minsan at nang makapagpahinga.

1
$ 0.00

Comments