LARONG PIKO
Ang Piko ay isang famous na larong pambata sa bansa. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalake. Paano ito nilalaro?
A. Panimula
- Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato - ito ay isang bagay na ginagamit bilang pananda kung nasaan ang manlalaro ito ay maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan.
- Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba. Ito ay maaring mga hugis kahon o parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro.
- Kailangan gumuhit ang mga manlalaro ng isang hugis gamit ang chalk, uling, o puting bato.
- Mamimili ang mga manlalaro ng mauuna. Iba't-iba ang paraan ng pamimili. Puede ang maiba-taya o jack en poy.
B. MgaPanuntunan
- Ang manlalaro ay kailangang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob ng hugis. Dapat ay hindi ito nasa guhit o sa labas ng guhit.
- Ang manlalaro ay di dapat nakakaapak sa mga guhit.
- Hindi siya maaring tumigil habang siya ay tumatalon.
- Hindi siya maaring magiba ng paang ginamit habang tumatalon.
C. Paglalaro
- Ang unang manlalaro ay ihahagis ang kanyang pamato sa numero uno. Kailangan niyang tumalon sa numero 2 papuntang sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagkatapos sa kanyang pagbalik ay kukunin niya ang kanyang pamato.
- Ihahagis niya naman ngayon ang pamato sa bilang 2 at tatalon sa numero1 lalaktaw sa numero 2 at pataas at pabalik na naman at kukunin ang pamato.
- Paulit-ulit lang hanggang sa makarating siya sa pinakamataas na numero.
- Patalikod n'yang ihahagis ang kanyang pamato at kung saang hugis ito pumatak ay "bahay" nya na ito at hindi na maaring tumapak dito ang mga kalaban.
- Sa huli, kung sino ang may pinakamaraming bahay, s'ya ang panalo!!!
👻👻👻