.. Walang Matagal Sa Masayang Naghihintay"
Naranasan mo na bang maghintay?
Kung naghintay ka lang, sigurado maiinip ka
Pero kung naghintay ka nang masaya, kahit gaano pa katagal yan, nakangiti ka pa rin pagdating niya
Sa paghihintay,
kailangan may sakripisyo at pagtitiis
Kailangan pareho kayong kumakapit
Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban
Kaya hindi nakapaghintay,
Napagod at nakabitaw
Sa paghihintay,
hindi pwedeng naghintay ka lang
Kailangan samahan mo ng tiyaga
Nang malawak na pang-unawa
Hindi ka nagagambala ng paligid mo
Dahil nakasentro ang paningin mo doon sa isang pangako
Sa ibabaw ng lahat,
Sa paghihintay,
gawin niyong bakod ang panalangin sa Ama
Dahil wala pa Siyang binibigo sa mga anak Niyang tapat at nagtitiwala sa Kaniya
Hindi man natin alam ang magiging takbo ng orasan
Kung bibilis man yan o babagal
Kung ang mga tala man ay mahuhulog at kikinang
At kung kailan ulit magliliwanag ang buwan
Isa lang ang sigurado,
Tapat ang Diyos sa Kaniyang pangako
Dahil sa tamang panahon,
Lumipas man ang ilang araw, buwan o taon
Sa ilalim ng kalawakan
Umasa kayo sa Kaniyang kalooban, pagtatagpuin Niya kayo sa pagkakataong Kaniyang inilaan
At masasabi niyong "Salamat sa Ama" ,
dininig Niya ang inyong kahilingan
Dahil sa dalawang pusong nagpapanata, walang matagal, sa masayang naghihintay..