.
KARANGALAN NG BABAE SA Islam"
Shaykh Muhammad ibn Saalih alUthaymeen (rahimahullaah.)..
..Ang mga Islaamic centers ay mayroong suliranin na kinakaharap sa pag-aanyaya sa mga hindi mananampalatayang kababaihan upang tanggapin ang Islaam. Ito ay may kinalaman sa pagnanais ng mga babaeng ito na yumakap sa Islaam ngunit ang kanila namang asawa ay ayaw. Isang napakahirap na desisyon ang isakripisyo mo ang iyong kasal lalo na kung mayroon kayong mga anak at ang asawa mo ay isang mabuting asawa, kung kaya mas higit na nananaig ang pagmamahal ng babae sa kanyang asawa kaysa sa pagnanais na yakapin ang Islaam. Alam natin na kapag ang babae ay yumakap sa Islaam, hindi na ipinahihintulot sa kaniya ang manatili sa pangangalaga/piling ng isang hindi Muslim na lalaki dahil sa sinabi ni Allaah ‘Azza wa Jal:
{at kapag nalaman na ninyo na sila ay mga mananampalataya ayon sa mga nakita ninyo na malilinaw na mga palatandaan ay huwag na ninyo silang ibalik sa kanilang mga asawa na walang pananampalataya, dahil ang mga kababaihan na mga mananampalataya ay hindi na ipinahihintulot na mapangasawa ng mga walang pananampalataya, at hindi rin ipinahintulot sa mga walang pananampalataya na makapag-asawa ng mga mananampalatayang kababaihan,} [Al Mumtahinah: 10]
Kaya paano natin haharapin ang ganitong problema? Pinahihintulutan ba tayo na akayin sila sa Islaam at pagkatapos ay wala na tayong pakialam sa iba pang susulpot na problema?
Ang lahat ng papuri ay kay Allaah (subhanahu wa ta’ala), mayrrong nagtanong kay Shaykh Muhammad ibn Saalih ibn ‘Uthaymeen ng ganito:
Isang babae ang nagtanong: Gusto ko pong yumakap sa Islaam ngunit ang aking asawa po ay isang mabuting asawa at ayoko pong mahiwalay sa kaniya, ano po ang dapat kong gawin?
Sagot: Ang babae ay kinakailangan na ihiwalay sa kanyang asawa. Subalit maaari niyang anyayahan ang kanyang asawa sa Islaam sa pamamagitan ng pagsasabi nang: “Gusto kong maging Muslim ngunit ang ating kasal ay mawawalan ng bisa hanggat hindi mo rin niyayakap ang Islaam.” Kapag sinabi niya ito sa kanyang asawa ay posible na pumayag ito na maging Muslim rin.
Tanong: Kung tanggapin na nang babae ang Islaam, dapat ba na bigyan muna niya ng Da’wah ang kanyang asawa sa kanilang bahay o kinakailangan na niyang umalis kaagad sa bahay na iyon?
Sagot: Kung umaasa siya na tatanggapin rin ng lalaki ang Islaam, kung gayon ay dapat siyang manatili sa kanilang tahanan hanggang matapos ang kanyang panahon ng ‘Iddah.
Tanong: Dapat ba na magtakip ang babae, itago ang kanyang awrah mula sa kanyang asawa habang siya ay nasa panahon ng ‘Iddah ?
Sagot: Mas ligtas para sa kanya na huwag niyang ipakita ang kanyang kagandahan sa kanyang asawa dahil hindi siya nakasisiguro na tatanggapin nga ng lalaki ang Islaam.
Tanong: Maaari ba na mapag-isa (khulwah) ang babae sa piling ng kanyang asawa?
Sagot: HINDI maaari.
Tanong: Kung ang pagsasabi nang lahat ng ito ay magiging sanhi upang lumayo sa Islaam ang babae, ipinahihintulot ba para sa atin na huwag na lamang sabihin sa kaniya ang bahagi ng talakayan na ito na posibleng hindi niya magustuhan at ganito na lamang ang ating sasabihin: “Yakapin mo muna ang Islaam at pagkatapos ay sasabihin namin sa iyo ang mga batas at alituntunin tungkol sa iyong asawa.”
Sagot: Hindi, dahil kapag ginawa ninyo ang ganito ay maaari siyang mag-murtad o tumalikod sa relihiyon matapos niya itong yakapin, at mas magiging malaki ang problemar. Kaya nga sinabi ng Propeta (salawlahu alayhi wasalam) kay ‘Alee (radiyallahu anhu) noong ipadala niya siya sa khaybar:
“Anyayahan mo sila sa Islaam at ipabatid mo sa kanila ang kanilang mga obligasyon...