Wikang Filipino: Tulay sa Makulay na Komunikasyon

0 18
Avatar for Asaj
Written by
2 years ago

Ang ating bansa ay kabilang sa mga multilinggwalismong bansa na kung saa’y binubuo ng iba’t ibang mga wika na nagsisilbing tulay tungo sa malayang pakikipag-komunikasyon. Ito ang mga wikang ginagamit upang magkaintindihan ang mga tao at ginagamit sa iba’t ibang aspeto.

Sa kabila ng pagiging multilinggwal na bansa, nariyan ang wikang Filipino na siyang nagsisilbing tulay at sentro ng komunikasyon. Bagama’t may mga sari-sarili tayong kinalakihang wika, patuloy pa rin nating ginagamit ang Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay kung kaya’t napakasilbi ng wikang ito. Kung tutuusin, may mga ibang lahi ang gustong matutuhan ang ating wika kaya naman mas lalong napapalawig ang sakop ng ating wika. Sa katunayan ay mas ginagamit pa rin naman natin ang ating unang wika kaysa sa wikang ito, ginagamit lamang natin ito kung ang taong kumakausap sa atin sa gumagamit ng wikang Filipino o kaya nama’y sa semi-pormal na pakikipag-usap. Ngunit napapansin ko naman na madalas nang gamiting pang-komunikasyon ang wikang Filipino ng mga bata dahil sa panonood ng vlogs, movies, o sa iba pang palabas sa telebisyon o sa mga social media apps. Dumagdag pa ang kagustuhan ng mga magulang na ituro ang Filipino sa kanilang mga anak bilang kanilang unang wika kaysa ituro ang kinalakhan nilang wika. Sa impluwensiya ng mga nakapaligid sa atin, mas natututo at nalilinang ang tao sa paggamit ng wika. Maraming may mga iba’t ibang salita ang lumalabas sa bibig ng iba’t ibang grupo ng tao na maaring hindi maintindihan ng ibang tao na hindi kabilang sa kanilang grupo kung kaya’t natatangi ang wikang Filipino sapagkat ito ang nagbibigkis sa mga taong hindi nagkakaintindihan. Kung kaya’t matatawag nga itong tulay tungo sa makulay na komunikasyon.

Sa patuloy na paggamit ng sariling wika ay patuloy rin itong mapapaunlad.Sa simpleng impluwensiya ng mga bagay sa mundo ay nadadala tayo maaring sa tama o maling daan kaya sa patuloy na pag-unlad ng mundo ay dapat na kasabay rin ang pag-unlad ng wikang Filipino.

1
$ 0.00
Avatar for Asaj
Written by
2 years ago

Comments