Eto daw yung sinasabi ng mga tao pag inlove sila pero ang hirap paniwalaan pag ako na nakakarinig, bakit?
Kasi yung huling nag sabi sa akin nyan wala na niloko ako nilinlang ako ang hirap na maniwala na may totoong tao na nag sasabi ng ganyan sa mahal nila ang dali lang naman sabihin nyan pero iba padin pag totoo at galing sa puso mo madali lang mag salita ng ganyan kahit hindi mo kilala kaya mong sabihan ng ganyan pero hindi totoo ang dami ng naloko ng salitang yan at isa na ako doon.
Bakit nga ba may mga taong hindi makuntento at nagloloko padin?
Ang masasagot ko lang dyan hindi sila marunong nakuntento sa kadahilang nakukulangan pa sila sa natatanggap nila kahit todo mona yun o sadyang hindi lang talaga sila makuntento sa iba kasi mabilis sila mag sawa makakapag mura ka nalang talaga pag naganyan ka kasi iisipin mo san ka nag kulang lalo na kung alam mo na binigay mo naman lahat ng kaya mo pati mga di mo kaya pinilit mo para lang sa kanya pero wag kang malungkot kasi hindi ikaw ang nawalan kundi sila, nawalan sila ng taong iintindi sa kanila ng sobra at aalagaan sila sa abot ng makakaya mo.