The Life that I never thought I will face

2 17
Avatar for Arden
Written by
3 years ago

Having a suicidal thoughts?

I don't know pano to nangyari, parang gusto ko nalang magbreakdown kagad. It's already a year now, and yet i'm still feel the same.

It started on March 12, 2020, the day I confirmed that I'm really pregnant though, nararamdaman ko naman sa sarili ko na may kakaiba na. Pero iba parin pala pag nalaman mo na yung totoo, wala pang 30 seconds sumampal na sakin yung 2 lines, naalala ko kung paano ako nanginig that time, unang pumasok sa isip ko "di pa ako ready" "Patay ako kay papa nito", halata naman sa kilos ko nun na unease ako kaya sinabi ko na din kay jeff. Bakit ganon? baligtad kami ng nararamdaman, masyadong masaya sya. Sa totoo lang gusto kong ipalaglag sana, kaso natatakot ako na what if di na ko magkaanak. Ang daming what if's ang gumugulo sa isip ko nun. Starting that day, di na ko makatulog ng mahimbing natatakot ako not only for myself, pati na din sa baby ko. Pano kung di ko sya mapalaki ng maayos? Sa sarili ko nga nahihirapan ako, kaming 2 pa kaya?

Dumagdag pa nung nalaman n ng pamilya ko, gusto nila maksal kami kagad ni Jeff. Alam ko sa sarili ko na mahal ko nman si Jeff, and willing nman ako magpakasal pero di naman agad agad, di pa yata enough yung love ko sa kanya nun e. Hello at the age of 21, 22? wala pa sa isip ko yung mag pamilya, gusto ko muna sanang mag explore, enjoyin yung pagiging dalaga ko, kaka graduate ko lang kaya, sa higpit ba naman ni papa e di kaya ako nakakagala, pero ano pa nga ba gagawin ko? Andyan na yan e, ayaw ko nman maging broken ang family ni AJ, kami nga ng daddy nya buo ang pamilya tas yung kanya sisirain ko lang? July 30, 2020 araw ng kasal ko, di ko alam kung sisipot ba ko o hindi dahil ayaw kong kumilos, kung di pa ko inubliga di ako kikilos. Eto na yun e, masaya naman sila e so magiging masaya nalang din ako, I enjoyed his company naman sa 2 months naming magkasama bago dumating si AJ, mas minahal ko sya, dumating ako nun sa point sa sobrang selosa ko konting kibot nya lang nagdududa na kagad ako, well hanggang ngayon namn e(ultimo bakla ngang katrabaho nya e, tsk tskk') Ewan ko ba kung ano na yung nangyayari sakin. Di naman ako dati ganito e. Parang feeling ko sila lang ni AJ ang buhay ko at ayokong may mawawala isa man sa kkanila.

Feeling ko nadagdagan pa yung anxiety ko nung pinanganak ko si AJ, hirap nakong kontrolin yung feelings ko madaming gabi ang umiiyak akong mag isa for no reason, Ang dami dami kong iniisip kaya di ko na alam kung ano dahilan ng mga pag iyak, but most of it pag umiiyak ako gusto ko nalang mamatay, aaminin ko mraming beses ko ng binalak pero ayaw kong lumaki yung anak ko ng walang ina. Akala ko natural lang yung ganito nung una e, pero patagal ng patagal natatakot nako, di ko alam kung ano na magagawa ko, baka umabot pako sa point na pati anak ko masaktan ko pa at yun ang kinakatakot ko. SO PLEASE, HELP ME!! I INDEED NEED YOUR HELP!

0
$ 0.00
Avatar for Arden
Written by
3 years ago

Comments

You might be suffering from Postpartum depression. It might be best to seek professional help.

$ 0.00
3 years ago

Thanks for the advice

$ 0.00
3 years ago