Covid-19 Update

1 6
Avatar for Aprilael
3 years ago

MULING PAG-IIBAYUHIN ANG SEGURIDAD SA MGA CHECKPOINT PAPASOK NG BATAAN

Dahil sa dumaraming kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Bataan, muling pag-iibayuhin ang seguridad sa mga checkpoint para sa mga pumapasok na sasakyan, pribado man, goverment vehicle, o mga delivery truck.

Napag-alaman na may OFW at LSI na nakakapasok sa Bataan ng walang kaukulang permit. Gumagamit sila ng mga pribadong sasakyan o mga truck na kung saan ay itinatago ang mga sakay nito sa likurang bahagi ng driver upang madaliang makalusot sa checkpoint. Binabayaran umano ng apat (4) hanggang limang (5) libo ang mga nasabing sasakyan.

Pag-iibayuhin din ang seguridad ng mga Goverment vehicles upang masuri ang mga sakay nito at ang mga kaukulang permit.

May kaukulang parusa ang mga hindi tatalima sa health protocols base sa IATF guidelines.

1
$ 0.00

Comments

Stay safe evryone

$ 0.00
3 years ago