Magandang madaling araw po sa inyong lahat mga ka read cash sana po sa pag basa ninyo ng aking artikulo dito sa biyahero community ay nasa maayos po tayong kalagayan at ligtas sa pahamak at sakit na dala ng covid19 .
Share ko lng po ang aking experience sa pag biya biyahe ako nga po pala si Anthony 36, ako po ay isang seafarer nag tratrabaho po ako sa isang cruise ship company na Costa Crocerie bale laundryman po aking trabaho sa barko sa madaling salita isa po akong labandero so dahil nga po ang aking trabaho ay isang seafarer kaya po madalas ay nkakapunta ako sa ibat ibang lugar o bansa ng libre bilang perks sa aming trabaho at share ko ang isa sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko maari sa buong mundo at ito ay sa sa Santorini Greece.
Maraming lugar at bansa n ako n napuntahan pero masasabi ko talagang itong sa Santorini Greece ang isa sa pinaka maganda o hindi sya talagang pina ka maganda. Ito ay isang isla na matatagpuan sa may bandang kanlurang hilaga ng aegean sea, sa may southeast part na mainland greece.
Ilang beses na ako nkarating dito at sa twing na daong ang aking barko na kasalukayang sinaskyan ay lumalbas talaga ako para makita at ma enjoy ang tanawin ng Santorini walang port dito kaya ang mga barko ay nka anchor mga ilang milya ang layo sa isla kaya ang mga barko ay ibinababa ang kani kanilang mga tender boat para maihatid ang mga pasahero sa mismong isla.
Ang isla ay masasabi mong kakaiba talaga dahil isa siyang bundok na nalagyan na lng bigla ng mga kalsada mga building as in parang magic talaga ang pag kakagawa sa kanya sa baba pg lapag ng tender boat ay mkikita mo ang mga souveneir shops at mga ilang kainan nasa taas ang pnka siyudad ng santorini kaya kailngan mo muna sumakay ng cable car para mabilis ka mkarating sa tuktok nito mag babayad ka per head ng 2 euro or katumbas ng 120 pesos sa pera natin so isa yun na paraan para kumita sila sa mga turista. Dalawa pla ang paraan para makaakyat sa tuktok or pinaka city nila ang isa pang paraan ay ang pagsakay sa mga donkey nila na upahan medu mtagal nga lang ako ang sinubukan ko ay sa cable car.
Pag nkarating kana sa taas ay kitang kita mo na ang ganda ng buong lugar over looking ang buong tanawin sa estimate ko ang taas nito ay nasa 100 flors na building mhigit pa. Magugulat ka talaga sa ganda nito aakalain mo paano nag karoon ng mga establishments sa taas ng bundok sa isla na yun? mga kalsada, buldings restaurants at iba pa. Mababa ang crime rate sa lugar nito dahil nga nmn iisa lang ang daanan mo pa labas ng isla at yun ay ang pababa sa isla na madami mga police nkbantay. At yan ang aking karanasan sa Santorini Greece.Wish ko lang na sana sa sususnod na makabisista ako sa isla na yun ay kasama ko na ang aking pamilya.