Sa panahon ngaun ng umiiral na pandemic sa buong mundo bunga ng virus na covid19 ay lubhang naapektuhan ang pangdaidigang ekonomiya ng mga bansa madaming nag sasara na mga kompanya mabilang ko na dito ang mga sikat na kompanya sa industriya ng pananamit at fashion gaya ng louies vitton at victoria secret. Sa pilipinas pa lang ay milyon milyon na ang nawalan ng kani kanilang hanap buhay at kabilang ako dito bilang isang OFW na hindi nkatapos ng kontrata at nag balik bansa. Bukod pa dito ang mga bagong gradweyt na mga kabataan na malamang sa malamang ay hindi mkakapag hanap ng trabaho dahil sa krisis na nararanasan ng buong mundo.
Kabibila ang pag sasara ng mga kompanya dahilan ng lockdown kaya naplilitang magsara ang halos lahat ng mga kompanya at establisemento. Pero nito ngang nkalipas na June 1 ay napasailalim na tau sa General Community Quarantine or mas maluwag protocols ng gobyerno habang nannatili ang pandemic at panganib na dulot ng virus at bunga nitong mas maluwag na community quarantine ayunti unti nang ng balik at nag bukas ang mga negosyo at kapasok na ang ilang mga empleyado. Pero hindi LAHAT marami pa rin ang naiwan na mga mamayan dhil hindi naman lahat ay nkabaik sa kani kanilang mga trabaho mas marami pa rin ang nawalan ng kabuhayan dahil hindi pa rin isan daang porsyento ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Pero sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa rin lumalaban tayong mga indibidwal sa hamon ng buhay nawalan man ng trabaho ay hindi ito naging rason para tumigil na at sumuko. Karaniwan sa mga taong lubos na naapektuhan ng sitwasyon ay masasabing ng change career na muna or nag iba ng linya. Bunga nga ng kawalan ng trabaho ay mkikita mong halos lahat na ng tao ay pumasok na s negosyo at kung ano ano na ang itinitinda makaraos lang kumbaga diskarte lang pag wla ka nito mamatay ka na lng tirik ang mata sa gutom. Gaya kong nawalan ng trabaho sa abroad ay ang pg hanap n lng ng pg kakakitaan online ang isa sa png kakabalahan ngaun at ag pag tulong sa asawa ko sa oline baking business niya. Kaya laban lang bandang huli at tayo rin ang mananaig virus lang yan at magiging normal na din ang lahat salamat at naway maging ligtas taung lahat sa virus. Mabuhay!!!!
God bless po..