Ngayong panahon ng pandemic ay bumagsak talaga ang ekonomiya ng bawat bansa, madaming nawalan ng trabaho at natigil sa kani kanilang mga hanap buhay, pero sa kabilang banda pinipilit ng ating gobyerno ng Pilipinas na mag bigay ng ayuda sa ating mga mamayan nariyan na nga sa listahan ang ipinamigay ng DSWD na Sap o Special Amelioration Program na tulong ika nga nila para sa mga poorest of the poor nating kababayan, ako bilang OFW ay naka avail ng ayuda mula sa DOLE na AKAP Programa para sa mga OFW na gaya ko na nawalan ng kabuhayan, nariyan din ang SWS Program at marami pang iba.
Discuss ko lang ngayon sa article ko about sa ahensya ng ating gobyerno na Pagibig Fund sila ay nag karoon ng programa na Calamity Loan na pwede makahiram ang mga myembro ng pera dfahil nga sa nararanasan na pandemic bunga ng COVID19 tapos na nga po ito at at sayang hindi ako nka abot na mag loan and kanina naman kausap ko ang kuya ko na pwede naman makag loan sa pag ibig at ito ay sa programa nila na multi purpose loan.
Ano nga ba ang Pagibig Multi Purpose Loan? Ito ay uri ng loan na kung saan ang mga kwalipikado na myembro ay dapat mayroon nang 24 monthly contribution , active member sa kasalukuyan at dapat may at least 1 buwan na hulog sa naka lipas na anim na buwan, At ang kailangan meron silang application form na duly accomplished at me pirma. Pwede mag apply saan mang branches ng PAGIBIG at siguraduhin na meron kayong dalawang valid ID'S maaring SSS id or PASSPORT at iba pang id's
Ang halaga ng pera na inyong pwedeng hiramin ay naka base na din sa inyong naipon sa pag ibig in short mas malaki ang inyong naipon mas malaki ang inyong pwedeng mahiram na halaga. 80 Poresyento ng inyong kabuuang naipon sa Pag ibig ang maximum na inyong mahihiram.
Ang kagandahan sa uri ng loan na ito ay ma proproseso ng napakabilis na ayon mismo sa PagIbig ay aabutin lang ng pina kamatagal na 1 linngo bago ma release ang hiniram na pera.Maraming salamat at sana ay nakatulong itong article ko sa mga ka read cash.
Maganda talaga Yung may mga ganyan kasi sa ganitung panahon may ma aasahan sila. Di gaya ng mga walang magawa Kung di mag hintay sa biyaya ng government.