Owwa Akap Program

0 65
Avatar for Annthony18
4 years ago

Isa akong overseas filipino worker nagtratrabaho ako sa isang cruise ship bilang isang laundryman. Bilang isang seafarer ang isa sa pinaka magandang benepisyo ng aming trabaho ay ang pag kakaroon ng pag kakataon na mka punta sa ibat ibang bansa ng libre.

Nagsimula ako sa pag babarko noong 2014 maganda ang kitaan kc talagang kung ano yung sahod mo ay mkukuha mo ng buo may mga kalatas nga lang mula sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng sss. philhealth at pag ibig fund saka ng amosup ang ospital para sa mga amrino.

Ngunit noong nag karoon ng pandemic sa buong mundo dulot ng covid19 ay nag karoon ng tigil operasyon ang aming barko maging ang lahat g mga cruise ships sa buong mundo kaya noong april 4 itong taon ay bumalik ako ng pilipinas na napauiw ako na hindi tapos ang aking kontarta na 5 buwan lang ako pero dapat ang uwi ko pa talaga ay sa july pa nitong taon bunga ng pandemic.

Kaya ng umuwi ako ay drecho kami sa hotel para sa 14 days mandatory quarantine ng gobyerno. Hbang nasa quarantine ay nag labas ang Owwa ng programa bilang ayuda sa mga na pauwi na pilipino. At ito ay ang tintawag na Owwa Akap Program na kung saan mabibigyan ang bawat isang OFW n di nkatapos ng kontarata or napauwi dulot ng pandemic ng $200 or katumbas na sampung libong pisong halaga bilang ayuda.

At habang nasa quarantine ako ay nag apply na ako nun kaagad dahil nga malaking bagay talaga ang ayuda na ibibigay nila dahil nga sa hindi ako nkatapos ng kontrata. Online ang pag aaply sa programa at naka submit naman ako ng mga kinakailngan na dokumento at papeles.

April 19 ng ako ay ng apply pero dumating ang isang buwan ay wala pa rin. Halos nawalan na ako ng pag asa na mka avail ng programa kagaya ng iba nating mga kababayan dahil nga sa tagal ng paghihintay lumagpas ang buwan ng mayo ay wala pa rin.

At sakto itong June 1 ay nkatangap ako ng txt msg mula sa Palawan Express na i claim ko daw ang pera na wala nmn amount pero may code at sa tingin ko ay sa owwa na ngaun. At kinabukasan ay pumunta kami ng aking asawa sa palawan at clinaim ko ang 10 thousand pesos at sa wakas nakuha ko rin. Salamat sa ayuda ng gobyerno legit talaga siya need mo lang talaga mag hintay.

4
$ 0.01
$ 0.01 from @BeardedCake
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments