Ang BASKETBALL ang isa sa pina ka sikat na sports sa bansang Pilipinas at dito rin tayo nakilala sa buong mundo lalo na ng mga kapanuhunan ni Caloy Loyzaga na dinominate nila ang buong ASIA sa larangan ng Basketball Maging sa International Worldwide Competition katibayan diyan ay nang mag kamit tau noong 1954 FIBA World Cup sa Rio de Janeiro sa Brazil ng bronze medal finish na hangang sa ngayon ay naka tatak sa kasaysayan bilang pinaka mataas na natapos ng isang Asean Country sa FIBA.
At syempre sa hilig nating mga pinoy sa basketball ay may kanya kanya tayong paboritong manlalaro ng basketball at ibahagi ko ngayon ang isa sa pinaka paborito kong player na dating manlalaro ng PBA . Si Asaytono ay produkto ng University ng Maynila na hangang ngaun ay kinikilala bilang isa sa mga magaling na manlalaro na nglaro para sa UM. Naging myembro siya ng RP Youth Team at maging ng natiuonal team ng Pinas noong 1987 under kay coach Joe Lipa at nkapag laro din sa PABL at nag kampeon ng 3 beses bago sumabak sa PBA.
Siya ay nagpasyang mag pa draft sa PBA noong 1989 at naging 2nd overall pick ng Purefoods Hotdogs kasama ang ilang sikat nma manlalaro na sina JojO Lastimosa, Jerry Codinera, Glenn Capacio, Dindo Pumaren at si Alvin Patrimonio nanalo siya ng dalawang Kampeonato bilang myembro ng purefoods at dahil nga sa pagiging back up niya lang ke Patrimonio at sa tingin niya ay mas ibubuga siya at kaya niyang bumuhat ng koponan ay nag request sya ng trade. At noon ngang patapos na ang 1991 ay nailipat siya ng koponan papunta sa Swift Mighty Meaty Hotdogs na kung saan ay napabilang na siya sa mga listahan ng mga milyonaryo na manlalaro ng PBA ng pumirma siya ng isang lucrative deal sa RFM Franchise.
At dito na nga lumabas ang tunay na potensyal sa laro ni Asaytono at dito na nga siyang binansagang the bull dahil sa estilo niyang walang takot na pag lusob sa basket sa paint at mga solidong post up moves na lubos kong hionangaan sa kaniyang mga galawan, dito ay muntikan na siyang manalo ng MVP aWARD noong 1992 na ang nakukuha ay si Ato Agustin na sa palagay ko ay siya dapat talaga ang nanalo ng award.nanalo siya ng apat na kampyonato sa SWIFT at humakot ng ilang mga awards gaya ng best player of the conference at mga scoring leaders.
Taong 1996 na ma trade naman siya papunta sa San Mioguel Beer kapalit ng nkalaban niya sa MVP Award noong 1992 na si Agustin, siya ay patuloy na nging eksplosibo sa kanyang mga laro sa pag lipat niya dito under kay Coach Ron Jacobs at noong 1997 ay muli na naman siya kinapos sa pag sungkit ng MVP Award na ang nakakuha ay ang dati niyang kakampi na si Patrimonio kumbaga dalawang beses sana siyang nanalo ng MVP Award. At bukod nga dun ay naglaro din siya para sa koponan ng Pop Cola at sa Red Bull Barako na kung saan ay dito na rin siya nag retiro noong 2006.
Sa kabuuan ay ng kanyang paglalaro sa PBA ay mayroon siyang 17 taon at nagkamit ng pitong kampeonato, napabilang sa Mythical Team ng 7 beses, 2 beses naging Best Player of the Conference at 10 beses napabilang sa All Star Selection. Siya ay pang lima overall sa listahan ng all time scoring list sa naitalang 12,268 points sa kabuuang 796 na laro. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga nagawa sa PBA ay nkapagtataka lang talaga na hindi siya napabilang sa 40 Greatest Player ng PBA na dapat ay nanduon talaga ang pangalan niya walang duda. Pero kahit ano pa man si Nelson Asaytono ay mananatili sa puso ko mula nuon hangang ngaun bilang Basketball Hero ko. Ikaw ka readcash sino ang iyong basketball hero?
.
Wow, dami talagang talented na mga pinoy. Lalo na sa larangan ng sports. Hindi pa ako pinanganak niyan. Kaya hindi ko siya kilala.