Hirap ng Buhay

3 14
Avatar for Annthony18
3 years ago

Itong panahon ngaun ng Pandemic ay talaga naman na sobrang naapektuhan hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa ibat ibang bansa sa buong mundo grabe talaga ang naging epekto nito lalo na sa ekonomiya ng mga bans, madaming nagsara na mga establishments at mga kompanya at lumobo rin ang bilang ng mga walang trabaho sa panahon ngaun.

Meron din naman talaga na masasabi na yumaman daw dahil sa pandemic dahil na rin cguro ito sa linya ng kanilang mga negosyo na biglang nag click at ng boom ngayon gaya ng mga essentials gaya ng Groceries at Supermarkets at mga nag benta ng mga medical supplies na to be honest ang ilan ay mga nag hoard bago mag ka lock down sabay ibenenta ng mahal. Pero marami pa rin sa marami talaga ang nag hirap ang buhay ngaung panahon na ito kabilang na diyan sa mga masasabi ko na lubos na naapektuhan ay ang mga tsuper ng Jeepney na simula ng lockdown ay di na nakabiyahe maging ang ilan ay di na tuluyang nkabyahe talaga, nariyan na yung naranasan na nila na mamalimos sa kalsada para lang may pang tawid sa bawat araw, na ang uba nga ay sa mismong mga jeep na nila natutulog or tumitira.

Nasabi ko na yung tirahan paano na kaya ngaun yung mga pamilya na nangungupahan lang simula kasi nung June 1 ay binuksan na muli ang ekonomiya at maari ng mkapg trabaho, kung siguro sa nakaraang 2 or 3 buwan ay binigyan sila ng palugit or pag swenetrte ay inilibre ng upa ng kanilang mga landlord ay saan naman kaya sila kukuha ng pang bayad nila ngaun ng upa paano kung hindi na sila nakabalik pa ng trabaho nila? Kaya kung mappansin niyo ay napakarami ng nababalita na mga umuwi na sa kani kanilang probinsya dahil na rin nga siguro hindi or wala ng pambayad ng upa.

Ako bilang OFW ay lubha ding naapektuhan dahil hindi ko natapos ang aking kontarta sa barko imbes na 8 buwan ay nka 5 buwan lang ako, kaya di na rin uso ngaun ang kasabihan na pag me abroad ayus ang pamumuhay niyan hindi na dahil maging ang mga nag wowork sa abroad ay may lockdown din. And ito ngang mga nakalipas na araw ay napanuod ko sa balita na pati mga artista berauty queen ay kanya kanya na ring diskarte para mka survived, anjan yong si gloc9 ay nag luto at nag titinda ng fried chicken, yung beauty quuen sa cebu ay nag lalako g inipit sa lugar nila at kanina pati si Gladys Guevarra ay nag luluto din ng mga kakanin at nag bebenta oline lahat talaga apektado ngaun.

Well maswerte pa rin tayo sa panahon ngaun kung tayo ay merong sariling bahay at hindi na mamomroblema kung saan mag hahagilap ng buwanang ipambabayad sa renta sa bahay, walang anuman sakit o karamdaman at negatibo sa virus kaya pasalamat pa din talaga tayo kay GOD na buhay pa rin tayo ika nga sa kasabihan habang may buhay may pag asa ano mang hirap ng buhay ang nararanasan natin ngaun ay matatapos din yan at magging ayos din ang lahat salamat.

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
3 years ago

Comments

Ganun tlga kya kelangan mag sumikap... OFW dn ako...dto sa HK...sa awa ng diyos kaht may pandemic ay stable parn namn dto...mas problema pa nga ang mga protesters dto kesa sa vius

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sa hirap ng buhay ngayon lahat ng tao ay apektado kahit tayong mga ofw ay lubos din na naapektuhan, kaya pasalamat na rin talaga tau na at least ay medu okay ang ating kalagayan at walang sakit at may pag kakataon pa na kumita at mag hanap ng ikabubuhay sipag at tiyaga lang at smahan ng diskarte makaraos din yan.

$ 0.00
3 years ago

Tama..kya tyo andito.. sumasideline..haha

$ 0.00
3 years ago