Gutom na mga Jeepney Drivers

6 56
Avatar for Annthony18
4 years ago

Sa kasalukuyan ay matinding hirap talaga ang idinulot sa atin ng pandemic na nararanasan ng buong mundo dala ng covid19 virus. Madaming nag stop operation noong nag ka lock down. Mga napilitang huminto sa trabaho, at iilan lang ang mga nanatili na bukas o patuloy ang operasyon na tinatawag na mga essential establishments na tulad ng supermarkets at mga drug store at mga bangko.

At noong June 1 nga po ay nalagay na ang Metro Manila sa maluwag na community quarantine na General Community Quarantine at unti unti na ibinalik ang pag bubukas ng ekonomiya ng bansa, nagbukas na ang ilang mga establishments, pag bubukas ng mga shopping malls at pag payag na rin sa pag dine in sa mga karinderya at mga fast foods at restaurants.

At ibinalik na rin ang transportasyon ng bansa sa pamamagitan ng muling pag biyahe ng mga Mrt's at Lrt maging ang mga Public Utility Bus, mga taxi at mga TNVS OR GRAB vehicles pero hindi lahat ay pinayagan na muling makabiyahe. At ang isa nga sa mga hindi pinayagan na mag balik pasada ay ang mga Tsuper na nagmamaneho ng Public Utility Jeep na nabansagan pa naman mga Hari ng Kalsada.

Ang mga hari ng kalsada ay nawalan na ng kaharian at tila tinangalan ng kapangyarihan sa di pag payag sa pag biyahe nila ng kanilang mga Jeepney, Ilang buwan n ang lumipas at ang ilang mga tsuper ay halos wala nang makain at mapakain sa kani kanilang pamilya at ang ilan ay napilitan na mamalimos na lang sa kalsada, at ang iba pa nga ay hinuli ng mga pulis dahil asa bawal ang kanilang ginagawa na paglilimos. At ang ilan naman ay mga nag kasakit na rin at nahawa sa covid19.

Sobrang hirap na ng dinaranas ng mga tsuper ng jeepney at kani kanilang pamilya dahil sa hirap na nararanasan nila now. Ngaung araw July 3 ay ihinayag ng gobyerno na muli nang papayagan makbiyahe ang mga lumang jeepney, pero piling lugar lang sa metro manila ang binigyan ng basbas na muling mka biyahe mas marami pa rin ang mga hindi nakabiyahe dahil daw sa mga lugar na ito ay matataas ang bilang ng mga positibo sa covid19. Walang katiyakan ang kabuhay ng mga tsuper ng Jeep ngaun mkabiyahe man sila ay maliit pa rin ang kita nila dahil sa kalahati lang ng capacity ang papayagan sa mga pasahero, at sa bandang huli ay tatangalin din ang mga lumanmg jeep dahil nga sa modernization process nmg gobyerno. Gutom at kahirapan ang dindanas ng ating mga kababayang tsuper kaya sana lang talaga ay matapos n ang pandemic na ito muling bumalik sa normal ang ekonomiya.

11
$ 0.07
$ 0.07 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments

Naaawa nga ako sa mga jeepney driver na di pa nakakapasada parang gusto ko silang tulungan kaso nga lang wala ako pera at wala kaming sobrang sardinas o mga pagkain sa lata na pwedeng ibigay sakanila.

$ 0.00
4 years ago

Oo mahirap at masakit ang pinagdadaanan nila ngayon dahil sa kinahaharap nating sitwasyon na kahit sino ay hindi naman ito ginusto na mangyari. Sa buhay talagang ganyan, kaya kailangan lumaban lang pero not literally na makikipagsuntukan ka. Yun bang laban para sa katwiran at kabuhayan. Sigurado naman ako na tutulungan sila ng ating gobyerno.

$ 0.00
4 years ago

Yun nga lang po talaga walang may kagustuhan ng mga pangyayaring ito pero sobra na po talaga at masyadong kaawa awa na ang kalagayan ng mga kababayan natin na tsuper ng jeepney halos apat na buwan na silang walang kabuhayan sana man lang talaga ay matulungan sila ng gobyerno.

$ 0.00
4 years ago

Tama ka po Dyan ganyan po ang hirap na dinadanas ng mga tito ko na mula PA ng kami ay mga Bata jeepney drivers na. Pero ng sa isang iglap nabago ang lahat. Sa ngayon ang isa sa mga tito ko ay mapilitan mag volunteer sa barangay Para kahit papano ay maipakain sa pamilya pero ang Iban Kung tito wala talaga sila ibang mapag kunan ng makakain Kung ang mga bigay bigay Lang.

$ 0.00
4 years ago

kawawa naman yung mga jeepney drivers,sana mabigyan din sila ng pansin ng ating gobyerno,at sanĂ  may makitang lunas parĂ  sa covid virus...

$ 0.00
4 years ago

Hay oo napaka hirap Ng sitwasyon ngayon.. dito samin sa Rizal hanggang ngayon Wala pang byahe papunta Ng manila Kaya Hindi pa makapag hanap buhay Ang iilan na nasa manila Ang destination Ng kabilang mga trabaho. At Hindi lahat Ng mga establishment au nag bukas.. sobrang daming walang trabaho. Gustuhin man mag apply ngunit walang mapasukan.

$ 0.00
4 years ago