Galley Utility

0 34
Avatar for Annthony18
3 years ago

Nag tratrabaho ako bilang isang laundryman sa cruise ship na Costa under ng Carnival Corporation sa agency ng Magsaysay Maritime Corporation. Bago ako nag simula mag trabaho sa barko ang trabaho kp talaga dito sa atin sa Pilipinas ay bilang isang waiter. Nag waiter ako s mga restaurants at isang five star hotel dito sa atin. Bukod dun ay ng waiter din ako s mga bansa sa gitnang silangan sa Doha, Qatar at sa Al Khobar Saudi Arabia.

Pag katapos ko mag work sa Saudi ay ng apply na ako mag apply sa Magsaysay para mkapg work na sa barko bilang isang waiter ang aking inaplayan. Pero ng tym na yun ng ng aaply ako ay sinabihan ako na walang bakante bilang waiter kung gusto ko daw ay may bakante sila bilang isang galley utility. Nang time na yun ay wala na akong no choice dahil sa pangarap ko talaga ang makapg work sa barko kaya tiangap ko na at agad ako isinabak sa initial interview.

Naipasa ko ang initial hangang sa final interview na proseso. So nkasampa nga ako nbilang isang galley utility sa una kong kontrata ng pag owowrk sa barko. Para sa kaalaman ng lahat ang galley utility ang masasabi ko na pinaka mahirap na work sa barko. Dito ko naransan yung sinasabi nila na literal na pag papawisan mo tala ang bawat pera n kinikita mo. Ang pinaka main objective ng aming work ay siyang pag mamaintain ng kalinisan sa kusina or ng galley. Hati hati ang trabaho bilang utility. meron dishwasher. garbage man, potwasher, at kdalasan ay taga linis s kusina at mga pinag gamitan ng mga kusinero.

Sa aking experince bilang utility ako ay naging dishwasher kaya lagi akong basa nka bota kakapal ng kalyo sa buong along buwan na kontrata para ko nang asawa ang aking dishwash machine na halos araw2 ay mahigit 5 libong plato at mga utencils ang aking ipinapasok sa machine.

Sa iba naman bilang pot waher ay mranasan mong maglinis ng mga kaldero na mas malalki pa sa iyo mga kawan. at pag kolekta ng basura n mga pag kain. Dagdag pa jan pag byayahe ng amerika ang barko sa pag papanatili ng kalinisan sa standard na paraan.

Tatlong kontrata me nging galley utility pero d ko talaga mkakalimutan ang png daanan ko dito dahil dun ako ng simula isa pa pla ang galley utility ang pnka maliit na sahod sa barko pnka mahirap pero ang sahod pnka maliit. Kaya ngaun nasa ibang linya n ako ay d ako nkklimot sa mga kabayan ntn n mga bagong galley utility.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
3 years ago

Comments