Dubrovnik Croatia

0 12
Avatar for Annthony18
4 years ago

Share ko lang po itong isa sa napakagandang lugar na napuntuhan ko bilang pag tratrabaho sa barko as a seafarer at ito ay lugar ng Dubronvik na nasa hometown ng isa sa pinakasikat na international basketball player na naging kakampi dati ni Michael Jordan na si Toni Kukoc.

Ito ay matatagpuan sa may bandang timog ng bansang Croatia ito ang isa s mga pinaka prominenteng tourist attraction sa mediterranean sea. Ang lugar na ito ay isa sa pinaka mayayamang siyudad sa buong Europa dahil na rin sa kadahilanang kaunti ang populasyon nila ay nasa mahigit kumulang 75,000 katao. Taong 1979 ng mapabilang ang siyudad sa listahan ng UNESCO bilang isa sa World Heritage Heights.

Last year lang ng 2019 ko npuntahan ang lugar na ito at isang beses ko lang npuntahn dahil saglit lang ang docking time nmin sa lugar na ito dahil sa mahal na bayad pag ka mg dock ang isang barko dito. Mag dodock ang barko namin ng 6am at aalis na din agad ng 12 ng tanghali ng time na ayun ay pang gabi ang aking shift sa trabaho pero broken shift start ako ng 12 noon tapos break ng 4pm balik ng 8pm hangang sa matapos ang duty ko ng 4am ng umaga. Kaya hindi ko talaga pinalagpas ang pag kakataon na iyon 7am pg katapos mkalabas ng karamihan sa mga pasahro ay lumabas na din ako para mkita ang napakagandang lugar na ito kahit mapuyat at halos ala n ako ipahinga.

Sa pag labas namin sa barko ay need muna sumakay ng shuttle bus para mkarating sa pinaka city nila na 15 minutos din ang byahe para mkarating duon at pag baba pa lng nmin ay halos di mahulugang karayom na ang bilang ng mga tao ng oras na iyon dahil nung araw na dumating kami dun ay limang malalking barko ang nkadaong sa port. Makikita mo ang Napakagandang tanawin pg baba mo p lng ng bus masarap at sariwa na simoy ng hangin dahil sa maraming mga puno na malalaki,

Mahaba ang pila papasok sa loob ng pinka siyudad nila para kasi itong isang Kastilyo na ginawa na nilang parang museum tapos sa loob ay makikita mo ang mga sinauna nilang mga kastilyo, simbahan, artifacts mga istatwa ng kanilang mga bayani at madami rin ang mga antique shop na mabibilan mo ng mga souveneirs items n talagang npakaganda pero sa murang halaga lang . At kumain din kami sa isang restoran duon na nag seserve ng kanilang traditional foods at isa sa nagustuhan ko duon ay ang dish nila na PASTICADA isa itong dish na beef stew na napaklmbot na kumbaga sa atin ay parang kaldereta.

At isa sa tradisynula nila ito ay lagi silang ng sasagawa ng tradisyunal nilang sayaw na lahat ng mga batang babae sa kanilang siyudad ay dapat kasali sa pg perform mula sa kanilang nanay hangang sa lola at lola s tuhod ay nging members ng tradisyon na sayaw.

At ang isa nga sa pinaka tourist attraction nila ay ang lugar at kastilyo na kung saan idinadaos ang pag shooting sa tv series na Game of Thrones na kung saan npaka dami mong memorabilla na mbibili mula sa Game of Thrones na talaga namang napuntahan mo ang lugar na ito ay nkakamangha talaga.

1
$ 0.00
Avatar for Annthony18
4 years ago

Comments