Buhay Negosyo

0 19
Avatar for Annthony18
3 years ago

Ngayong panahon ng pandemic ay marami talagang pag babago na nangyari sa buhay ng mga tao dahil sa virus na dala ng covid19 lahat ay apektado ang ekonomiya ng mga bansa na sa karamihan ay bumagsak, at ang pag ka lugi at pag sara ng mga kompanya at pag taas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho. Ako bilang OFW ay isa sa mga lubhang naapektuhan din talaga ng pandemya sa kadahilanang napauwi ako at hindi natapos ang kontrata kaya para maka survive sa pang araw2 namin na kailangan ng aking pamilya ay nagbalak ako na mag apply ng trabaho dito sa pilipinas pero hirap ako na mkahanap ng mapapsukan pansamntala ng trabaho dahil nga naman kung hindi sa nag bawas ng mga empleyado ang ilang kompanya ay tuluyan na nag sara.

At dahil nga sa hindi ko natapos ag aking kontrata ay unti unti na rin nababwasan ang aming savings mag asawa kaya nag decide kami na mag try mag negosyo, sa nakalipas na isang buwan mahigit ay nag simula kami mag luto ng mga kakanin gaya ng puto, maja blanca. sapin sapin. palitaw at iba pa ayus naman ang kinalabasan me kumukuha ng mga paninda namin na bultuhan at bilang reseller at nag popost din kami sa mga group sa fb page at nga papa pre order. Kumbaga ayos na kaysa wala sa isang araw ay umaabot din sa 300 to 500 hundred pesos ang aming tubo.

Pero nitong nakaraang mga linggo ay napansin ko sa aming lugar na halos lahat ay nag simula na rin mag negosyo or magbenta ng kung ano ano as in literal na halos lahat ng bahay ay meron na nag titinda kagaya ng almusal sa umaga, nag bebenta ng bigas at itlog, nag ba barbecue at iba pa. At ngaung araw nga ang aming tinda ay Lomi at Lumpiang Toge at meron kami na taga lako na rin bukod sa reseller, naubos naman ang lumpia pero sa 20 pcs na lomi ay isang order lang ang nabenta nila kaya ayun lomi ang ulam namin ngaung hapunan hehehe. Talagang sa pag nenegosyo ay hindi lahat lagi madaming benta meron din talaga n mga araw na gaya nito na matumal pero ganyan talaga kailangan ipag patuloy ang nasimulan para sa pangangailangan ng pamilya hangang sa makaraos na din tayong lahat sa pandemic na ito tiwala lang talaga ke GOD at dasal sa kanya. Salamat po at sanay ligtas tayong lahat sa covid.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
3 years ago

Comments