Kalagitnaan ng buwan ng marso ng mag deklera ang Pangulong Rodrigo Duterte ng total lockdown sa buong sa buong lugar sa Pilipinas sa kadahilanang panganib na dala ng Covid19 Virus at kamakailan nga ay naging pandemic na kumalat sa buong mundo. Marami ang nagsara na mga kompanya at madami ang nawalan ng mga trabaho, at napilitan huminto sa kani kanilang trabaho dahil sa lockdown at mga ilan lang ang nanatili na bukas gaya ng supermarkets, drugstores at mga essential goods at ang resulta ay ang gutom ng ating mga kababayan na walang mapag kakitaan, ang ilan naman ay mga nkatangap ng ayuda mula s gobyerno pero hindi ito sapat at ang masaklap hindi lahat ay nkatangap baliktad sa sabi ng gobyerno na ang lahat ay makakatangap.
At noon ngang Hunyo uno ay nailagay ang metro manila sa mas maluwag na GCQ or GENERAL Community Quarantine at muling nagbukas ang ekonomiya sa metro manila, unti unting nagbukas ang mga kompanya at muling nkabalik ang ilang mga empleyado sa kani kanilang trabaho nag bukas ang ilang mga restaurant at fast food chains at pwede ng mag dine-in at nag karoon na uli ng byahe ng transportasyon ng mga tren ng mrt, lrt at mga buses.
At sa kasalukuyan ang Pilipinas ay ilang araw ng nkapagtatala ng mga record highs sa mga nag positibo sa covid19 virus sapul ng ilipat ang quarantine protocol from ECQ to GCQ na nag papangamba sa marami na baka maibalik ang buong siyudad ng maynila sa mahigpit na GCQ at muling mg ka lockdown.Ayon sa Department of Health may naitalang 2,434 na kaso kagahapon na ang karamihan ay sa Metro Manila na sa kabuuan ay meron nang 44,250 ang nag positibo na mayroong 1,297 na mga namatay na ang bilang isa sa pinaka mataas sa South East Asia.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano na may posibilidad nga na ibalik ang siyudad sa lockdown kapag natuloy ang pagtaas ng mga kaso ng covid19 na sa kada araw ay umaabot ng libo ang bilang at pag ka unti unting mapuno ang mga ospital. At isa na nga rin sa pinag basehan ang nararanasan at sinabi ng Chinese General Hospital na hindi na sila mkakatangap ng mga bagong pasyente na me covid19 dahil puno na sila at dina kayang maasikaso. Inilipat tayo sa GCQ para muling manumbalik at mag bukas ang ekonomiya ng bansa dahil na rin mkapag work ang mga mamayan subalit sa nangyayari ay napapaisip ang ating gobyerno kung ibabalik nga tau sa lockdown at malamang sa malamang ay balik na naman ang mga tao nito sa tag gutom dahil sa karamihan ay hindi na naman mkakapag work na kung tutuusin sa personal kong experiernce ay napakahirap kaya sana lang talaga ay bumaba na ang mga kaso ng positibo sa bansa para din na natin maranasan ang lockdown at tag gutom.
Paano na magiging natural ang buhay kung lock down pa rin