Ang Pangarap kong Holdap

0 262
Avatar for Annthony18
3 years ago

Nung nag karoon ng Lockdown sa Buong Metro Manila at sa ilang mga lugar sa Pilipinas ay madami ang hindi nagawang maka labas ng bahay dahil tanging mga "Alay" o may mga quarantine pass lang isa kada bahay ang pinapayagang makalabas para mamili ng mga essential na pangangailangan sa isang sambayanan at kabilang nga ako dun sa mga walang quarantine pass dahil ng nakauwi ako ng pinas ay april 5 na at ng quarantine pa ako ng 14 days kaya nang mka uwi ako sa bahay ay meron nang quarantine pass ang aking asawa pero ang ginawa ko ay nanghgiram ako ng quarantine pass sa aking bilas para masamahan ang aking asawa para sa pamimili ng aming mga pangangailangan sa bahay pero diskarte lang talaga kunwari hindi kami mag kakilala at may distansiya lagi kami.

Pero ang isa talaga sa pinag ka abalahan ko noong lockdown ay ang panunuod ng mga series at pelikula s netflix kabila sa mga pinanuod ko ay ang Kingdom at ang The Last Dance Series ng Chicago Bulls 1998 Final Season ng Championship run nila. At kagabi ay habang nanunuod ako ng balita sa GMA 7 ay nabalita yung pelikula ni Paolo Contis na ANG PANGARAP KONG HOLDUP.

At pinanuod nga namin ito ng aking pamilya bale ang istorya ay tungkol sa 3 magkakaibigan na kabilang sa grupo ng mga holdaper na sina EMAN, TOTO at KARLO itong tatlong ito ay matagal nang mga holdaper pero laging palpak ang mga lakad nila at wala pa silang lakad na nagtagumpay at desperado na ang tatlo na magtagumpay sa pang hoholdap lalo na si eman dahil ang kaniyang ama ay ang pinaka mahusay na holdaper sa lugar nila na kung tawagin ay barangay husay.

At isinama sa grupo nila si Nicoy {Paolo Contis} ng kanilang ama para magtagumpay ang mga lakad nila, pero hindi nila alam na pulis pala itong si Nicoy at sumali sa grupo para mahuli sa akto si ka PePe para ma promote ito. At no choice nga si Nicoy kung hindi tulungan ang tatlo niyang kasama sa pang hoholdap sobrang natawa talaga ako sa mga try nila na pang hoholdap palpak pa rin talaga.

At kasama din sa mga cast ay ang chicks ni Nicoy na si MARGA, BADJAO Lider ng isang sindikato na kalaban ni Ka Pepe, Bulag kanang kamay ni Badjao na taga singil ng me utang ni Badjao na kung bakit tinawag na bulag ay dfahil taga bulag siya ng mata sa mga di nag babayda ng utang.

At sa simula nga pala ng istorya ay may nakita ang mga magsasaka na ginto na korteng ari ng lalake na sinabi nila na si Datu Puti na ang halaga pala ay nag kakahalaga ng 10 milyon . Kinontak ng mga Magsasaka si Marga para mag hanap ng buyer sa Golden Phallus na tinatawag at sinabi ni Marga kay Nicoy, at sinabi niya rin kay Mr. SANTOS na nag plan na bilhin ng 1 milyon sa mga magsasaka at balak nila ibenta ng 10 million, narinig ng driver ni mr. santos at nag ka interes siya at sinabi niya kay ka pepe at nag plan na ipa holdap sa kanila.

Samantalang si Marga ay may utang kay Badjao at nakita siya ni bulag at nang dudukutin na ang mata niya ay sinabi niya ang inpormasyon kay badjao tungkol sa magaganap na transaksyon sa pagitan ng mga magsasaka at ni MR. Santos atnag ka interes nga si Badjao at pinakawalan si Marga.

Samantala habang ang tatlong holdaper na tanga kasama si Nicoy ay palpak pa rin ang mga ginawang pang hoholdap ay tuluyan ng nawalan ng gana at sumubok si Eman subalit sa pag kumbinisi ni Nicoy na malaki ang kikitain nila sa sinabi ni Marga na palitan ng items at pera ng mga magsasaka at ni MR. sANTOS ay naenganyo na rin siya para mabuo ang pinapangarap niyang holdap.At s kwento ay nag kita kita nga ang mga charcater sa warehouse bilang pag hoholdap sa golden phgallus at 1 milyon hangang sa umabot nga sa patayan. Namatay ang mga magsasaka, si mr. santos at 2 bodyguard nito at maging ang tatay ni eman na si ka pepe at si bulag at buhay naman ang grupo ni Eman na nkuha nila ang 1 milyon smantalaga c badjao ay buhay pa rin at nkuha ang golden phallus.BANDANG huli ay nakuha din nila emman ang items ke badjao.

Grabe sobrang saya ng pelikulang ito habang pinapanuod namin ito ay sobrang tawanan namin ng aking pamilya sobrang dami ng kalolokohan ng pelikula ito ine rerekomenda ko ito na sana panuorin niya mga read cash promise hindi kayo magsisi sa panonood salamat po.

3
$ 0.19
$ 0.19 from @TheRandomRewarder
Avatar for Annthony18
3 years ago

Comments