Sa mga nakaka intindi po sa akin, ako po ay isang estodyante, hirap na hirap sa pag aaral lalo na ngayong panahon, napapagalitan na ako kaka hiram ng ibang cellphone kaya napag ipunan ko, palagi akong absent sa module ko dahil nag iipon ako maka bili ng cellphone ko, nagtatrabaho nag aaply ng ibat ibang labor sa ibat ibang lugar, nag papasan ng mabibigat na gamit at pagkalipas ay nagkasakit ako, pero iniisip ko hindi ako susuko hanggat di umaabot yung ipon ko, patuloy parin ako sa pag tatrabaho hanggat sa di kona talaga kaya, nag aalala mga magulang ko, sabi nila tigilan mo nalang siguro yan anak. at pasensya kana, sa pagkain lang talaga kaya sa trabaho namin, tumigil ka nalang sa pag aaral para mapakag pahinga kana.
sabi ko, oo ma, sapat na siguro mga naipon ko para maka bili eh pwede nato. bumangon ako ng madaling araw at agad ako pumunta sa syudad para bumili ng cellphone sa sobrang excited go muntikan pa akong nadapa, hanggang nakarating na ako sa cellphone shop ngunit lahat ng presyo doon ay hindi umabot sa pera ko, 3k lang naipon ko sinubukan kong magpatawad sa presyo pero hindi talaga kaya. malungkot ako habang naglalakad pauwi, hanggang sa may isang lalaki nag alok sakin ng cellphone 3k lang daw, sabi ko original ba ito at ang ganda, gagamitin ko kasi sa pag aaral ko, at sabi nya oo naman napaka original nito kaya bilhin mo na!, agad ko naman binili sa sobrang tuwa at sinubukan ko gamitin. at nung nakuha na nya yung bayad agad naman siyang nawala. at wala manlang resibo, agad ako umuwi at sinubukan ang cellphone na binili ko, pero.. sa isang oras napa iyak ako habang sinasabi na.. ito naba yung pinag ipunan ko sa isang buwan kong trabaho??. mukang hindi naman tama yung naging desisyon ko ah. napaka lag at di manlang maopen yung facebook ko!. kinabukasan agad ko naman tinanong sa kapitbahay namin kung anong klasing phone nabili ko. sabi nila isa itong fake isa sa mga clone phone! kayat mura lang! bakit mo naman ito binili? bat di ka nagpa tulong sa amin para magawan natin ng paraan!. at labis ang pag sisisi ko kasi napunta lang sa wala lahat ng pagod ko.. di ko pinansin yung online class ko kasi balak ko na pagkatapos ko ng pag iipon ay may sarili na akong cellphone.. pero naloko lang ako na parang isang iglap lang.. labis talaga ang pag sisisi ko habang umiiyak.. parang ayokona sa buhay ko.. kayat binuksan ko ulet itong readcash para ishare yung masaklap ko na naranasan ngayong pandemya at sana maging aral ito sa karamihang tao.. at ito ako ngayon wala na akong magawa nawala na inipon ko hirap nakong magtrabaho dahil isang linggo nadin sumasakit likod ko T_T sana may makatulong manlang sa akin ngayon kahit konti ayokopa sumuko sa pag aaral, aabutin ko pangarap ko. at maraming salamat sa nag babasa godbless po sainyo...