Salawikahin..

5 35
Avatar for Anne07
Written by
4 years ago

Madami sa ating pilipino ang mahilig sa mga Salawikahgin, halos mga matatanda ang minsan nag papaalala sa atin ng mga salitang eto,,, halos pagalit pa ang iba, kc pilit nila pinapaisip sa atin kung anu mga ibig sabehin ng salitang yun,,

Tulad nalang nito,

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan,

Simpleng salita pero malaki ang pinapa alaala, na kapag dimo inintindi malaki ang mawawala sayo,

Ang tao walang utang na loob ay ganyan, wala magandang kapalaran, matuto tayo tumanaw ng utang na loob sa ating mga magulang. At kung sino mang naka tulong sayo, alalahanin mo kapag meron kana.

Papunta ka palang pabalik nako.

Ayan ung halos paborito ng mga nanay natin, sa araw araw na sermon, ewan ko nalang kung hindi tumatak sa ulo mo ang salitang yan ng atíng mga magulang..

Ang gusto nila ipahiwatig sa salitang yan ay madami na silang na tahak na pag subok sa buhay. Alam na nila lahat ng mga lalakaran mo palang makinig ka sakanila para dika mapahamak dahil naranasan na nila..

Minsan nakaka inis na ang mga pangaral nila, pero kung di ipapaalala dimo yun gagawin, madalas napapahamak ka. Mas maganda sundin sila para dika maligaw ng landas.

Aanin mo pa ang damo kung patay na ang Kabayo.

Ayan ang salitang narenig ko sa aking ina nung namatay ang kanyang kapatid na ate, mahal na mahal nya yun. Kaso nga lang ay wala sya magawa nung nagkasakit si ate nya dahil sakto nasunogan kami.

Nung oras nun gusto ng ate nya mag padala sa hospital kaso ung mga kapatid ng mama ko, nang hihinayang sa pera, kaya iyak nalang nagawa ni mama..

Aanin padaw ang damo kung patay na ang kabayo.. Para saan pa ang pera kung patay na si tita.. Kawawa ang sinapit ng aking tita. Namatay sa hirap sa sakit. Ang mga mag kakapatid behira lang ang lílingapin ka. Kapag wala ka pera.

Sana nagustohan nyo po ang ilang salawikahin na nag papaalala sa mga mababait nating magulang at salitang pilipino may malalim na kahulugan sa ating buhay at puso.

10
$ 0.00
Avatar for Anne07
Written by
4 years ago

Comments

Kahit ako palage ko narerenig ang mga salawikain na yan sa aking mga magulang nakakainis minsan pero sabi nga nila gamot sa nakakalimot ang pagpapaalala, nakakamis ang mga salawikain lalo na kung para sa mga karanasan na sa buhay ngayon.

$ 0.00
4 years ago

Miss anne07 Ang dalawa mong post ay copyright po sya may kapareho po sya sa internet kaya di pwede Tagalog lang po lahat Ang kailangan guys Hindi po Ito para sakin para sa inyo din po.......salamat post u ulit sa community...kailangan baguhin Ang lahat ok...

$ 0.00
4 years ago

Hindi yan copy right picture lang kinuha ko.

$ 0.00
4 years ago

madami tayo mga salawikain pero ung iba nalilimotan na ng panahon sana ibalik ulit ang mga bagay na nalipasan na ng panahon mahirap ng matabunan nalang ng alaala ang lahat.. namimis ko tuloy ang aking ina na palagi nag papaalala..

$ 0.00
4 years ago