Kung ako ang papipiliin, hindi ko gugustuhin na matiya-gang harapin ang mga problemat sa buhay. Mabilis kasi akong mainip o mawalan ng pasensiya. Gusto ko na nasosolusyunan agad ang aking mga problema o ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga mahal ko sa buhay.
Sa palagay ko, hindi ako nag-iisa sa pananaw na ito. May isinulat si Dale S. Ryan na tagapangasiwa sa Christian Recovery international tungkol sa pinagdaraanan ng mga taong nag nanais makabangon sa matinding kabiguan o gumaling sa pagkalulong sa iba't ibang bagay. Sinabi ni Dale na ang isang hadlang para Lubusang gumaling ang isang tao ay ang paniniwala na mabilis agad ang pagbangon o paggaling .Ganoon din ang paniniwala ng iba tungkol sa pagliligtas ng Dios sa atin. Akala nila, sa mismong oras sumampalataya sila kay Jesus ay mawawala agad ang lahat ng problema o gagaling agad sa anumang pagkalulong.
Inilarawan naman na sa Biblia na dahan-dahang naaayos ang buhay ng mga mananampalataya. Nais kasi tayong hikayatin ng Dios na patuloy na magtiwala sa Kanya hanggang sa gumaling tayo o maging maayos ang ating buhay Hinihikayat din tayo ng Dios na ipagkatiwalat natin sa kanya ang ating mga ikinahihiya. Lubusan nating mararanasan ang paggaling kung ihahayag natin sa Dios maging ating mga kahinaan. Lalo din nating madarama ang pagmamahal at pagtulong ng Dios.
Hindi agad nangyayari na gumaling tayo o maging maayos ang ating buhay. Sa halip, kailangan nito ng panahon, katiyagaan at patuloy na pananalangin sa Dios. Lalo na marami sa atin ang hindi kumportable na nakikita ang ating mga kahinaan.
Gayon pa man, ipinapaalala sa atin ng sumulat ng Aklat ng Hebreo na wala tayong dapat ikahiya o ikatakot sa ating mga kahinaan. Alam na alam kasi ng Dios ang ating mga kahinaan kaya naman, hinihikayat tayo ng Dios na ipagkatiwala sa kanya ang ating mga kahinaan at mga pinagdaraanang pagsubok. Kung gagawin natin ito, mararanasan natin ang hindi nagmamaliw na kagandahang-loob at kapatawaran ng Dios
AMEN
lahat nmn ng tao may problema manampalataya lng tayo saknya dahil sya lng nakakaalm na buhay natin kung hanggang kelan tyo dto sa ibabaw ng mundo.