Kabet.

0 13
Avatar for Anne07
Written by
3 years ago

Hi share ko lang ang nangyare sakin ngaun covid... Pati puso ko na covid nadin. .

Sa subrang hirap ng sitwasyon ko may asawang lasinggero at mahelig mag wala kapag nag iinum.. Puro problema bayaarin ng bahay ilaw at tubig sabay pa ang home credit namin... Nakuha ..

Pumasok ako sa isang mayamang pamilya. Sabi ko 1month lang ako ok na oowi naku para lang pang pa ayos ng motor ng magaling ko asawa... Saka mas gusto ko nadin maka layo muna sa kanya dahil sa ugali nya... Inaabuso na kc nya ako kahit pag linis ng tae nya kapag nalalasing nagawa ko na... Kahit subrang diko masikmura... Ginawa ko para sa kanya... Alam ko may mga bagay na kaya nnatin tiisin para sa love pero di naman siguro dahilan yun para abusohin ka.. Ng lalake lalot dipa kayo kasal..

Pasalamat ako wala ako sa sitwasyong kasl kami kaya pwede pa ako umayaw.. Pero gagawin ko yun kapag wala naku pag mamahal sa kanya...

Yun na nga nag apply ako sabi pasok naku kinabukasan.. May nakita ako lalake di naman katangkaran mga 5/4 ang height at mukha parang pulubi kc napa ka daming grasa sa katawan.. Hehehe yun ang pamily driver nila mukha naman mabait...

Nxt day dala ko na gamit ko... Tapos wala doon ung kausap ko anak ng amo ko nag tao po ako sa may harapan ng bahay lumabas ung lalaki na driver sabi pasok daw ako.. Tapos pinapaubad nya sapatos ko sya na daw mag tatabi nahiya naman ako...pina ayos ung gamit ko ng boss ko sa pwd ko pag palitan ng damit at sa pwd ko pag Cr ran dalawa ung bahay nila.. Kaya sa luma kami nag stay pero pag matutulog sa kabila ako kasama ng alaga ko...

Mabait sya kc nag ka palagayan kami ng loob pina hiram nya ung sabonan nya sakin... Tapos naka sabay ko sya kumaen.. Lagi ganun..ang set up nag dating ang buwanang dalaw ko.. Kaso wala ako pera nung time na yun tapos wala mabibilan na tindahan.. Kaya kinausap ko sya na baka pwede na bilan nya ko kc nahihiya ako.. Dahil behira sa lalake bumibili ng napkin ng babae... Pumayag sya tapos pinahiraman nya ko ng pera..

After nun lalo pa ako naging close sa kanya... May time na hahalata ko parang may gusto na sya kasi palage syang naka tingen.. Tapos ako din ramdam ko namimis ko sya kapag nasa manila sya at nadun sa boss namin... Wala nmn ako contact sa kanya kc dipa kami nag tatanungan sa ganun..

May time na dumating sya parang ang sayasaya ko.. Diko ma imagine tapos parang ganun din sya.. Nag sabay kami kumaen... Nagtaka ako tinapakan nya paa ko tapos ayaw alisin nasa ilalim ng lamesa yung paa namin.. Nakuryente ako.. Parang gusto ko ang ginawa nya...

Gusto ko ung mga nangyayare sa amin..kilig na kilig talaga ako.. Sa mga moves nya... May time parang gusto ko ng amenin kaso nahihiya ako wait ko nalang na sya mag first move.. Di nagtagal dumating yung hinihintay ko..

Sa likod ng kusina madami sya dala mga pinamili ng boss namin... Ako ang nag ayos.. Habang inaabot ko madami sya mga papisil pisil sa kamay ko pa hawak hawak sa braso ko.. Na inaayahan ko lang kc gusto ko talaga...

Tapos bumalik sya na parang may gusto sabehin tapos di naman nya masabi kaya.. Inayahan ko nalang.. Nung una nang hengi ng biscuit iniisip ko style lang nya... Tapos pangalawa.. Kanin naman heningi nya.. Gutom daw sya wala pa luto sa kabila bahay...

Gabi nun sinadya ko iwan ang unan ko para maka balik ulit sa kabila bahay... Nangyare na ang ina asahan ko hinarang nya ako at niyakap.. Di ako maka paniwala... Sabi ko bakit tapos wala sya sinabe pinaalis nya lanag ako.. Nung time na yun friend ko na sya sa fb..

Kaya nag chat ako sa kanya sabi ko anu ba ung ginagawa mo? Tapos sabi nya ung washing daw na iwan ko sa labas.. Kaya bumalik ulit ako niyakap nya ako ulit tapos pinag hahalikan nya ako.. Sabi nya gusto nya ko.. Tapos sabi ko wag ganun umalis ako.. Tapos sumunod sya sa kabilang bahay inulit nya ulit tapos sabi nya wag daw ako mag messages sa fb nya at hawak yun ng misis nya kaaya.. Dina ako nag paramdam... Doon sa messenger.. Oo may asawa na ung lalake crush ko..

Diko na patatagalin pa madami beses na may nangyari at ang diko malilimutan ung nasa manila kami pareho pero mag ka iba ang aming bahay na tinutoloyan kaya diko sya makasama subrang lungkot ng sitwasyon namin para kaming pinagkaisahan ng mga tao sa paligid namin...

Hanggang sa sumuko naku naki pag break naku binura ko laahat ng messages nya sakin pati txt at chat ayaw ko na...

At bigla isang araw may nag doorbell sya ung nakita ko... Diko sya pinag buksan ung katulong nag bukas mabilis ako nag punta sa kwarto at nag ayos.. Tapos no pansin sya sakin.. Kausap nya ung boss namin pag drive nya daw kami.. Kaya tuwang tuwa ako.. Nung gabi lahat ng tampo inanakit nawala subrang sweet nanmin dalawa may nangyari ulit at ang saya saya ko.. Nalaman ko aalis sya at 1month balik sabi nya di nya ako malilimutan... Nalaman ko pa may iba pa sya bukod sakin.. Kaya nasaktan ako. Now diko alam kung mag hihintay paba ako.. Sa 1month na yun gusto ko ng umalis dito.. Kc nasaktan talaga ako... Sabi nya bahala daw ako kung paniniwalaan ko ung sinabe ng ka work namin.. Doon nalang daw ako maniwala...

2
$ 0.00
Avatar for Anne07
Written by
3 years ago

Comments