Depression is not a joke

0 4

Ano nga ba ang Depression?

Ang Depression ay isang uri ng mood disorder na nkakasira sa pang araw araw mong ginagawa .

Khit na sino ay pdeng makaranas nito. Mapa babae man o lalake.

Napansin ko, hlos karamihan ngayon ay puro mga kabataan .

Narito ang mga sintomas ng isang depression;

  1. Mood - magalitin, nagiging agresibo, Hindi mapakali at madalas na pagkabahala.

  2. Emosyon - pagiging malungkutin at nawawalan ng pagasa .

  3. Pagkilos - kawalan ng gana sa mga dating ginagawa o paboritong Gawain, madaling mapagod, naiisip ng kung ano ano. Gusto nya lng ng mapagisa.

  4. Pagtulog - nahihirapang makatulog sa gabi insomia, sobrang antok.

  5. Pagiisip - kahirapang magtuon ng iniisip, nahihirapang matapos ang isang Gawain, nahihirapan makipagusap o makisalamuha sa iba.

  6. Pisikal - nangangayayat, parang pagod ang buong katwan at panunaw.

Ilan lmang yan sa mga sintomas na nararanasan ng isang taong me depression. Marami ang nagtatanong San at Paano nga ba nakukuha ang depression?

Ang depresyon ay maaring makuha sa

  1. Family Problem

  2. Sa pag aaral

  3. Pangbubully ng ibang tao

  4. Expection ng mga taong nakapaligid sa knya.

  5. Environment.

Iilan lng yan sa maaring pagkuhanan ng depression ng isang tao. Nakakalungkot lng dahil pag lumala ang isang depresyon ay maaring mapunta sa pagkasira ng pagiisip o worst ay ang pagpapakamatay.

Kaya ikaw, kung me kakilala o kaibigan kayong nakakaranas ng ganyan o dikaya nafefeel nyong kelangan ka nila.. Bigyan mo sila kahit konting oras na makipagusap o di kaya samahan mo lng sila. Malaking bagay na yun sa knila lalo na ang pakikinig ng problema nila.

Ikaw? Anong kwentong depression mo? Ikwento mo na sa comment box. 😍

2
$ 0.00

Comments

Your title is nice and I expected your article to be the same but in opening the article I met another language, can you please try to be using English translator before posting. Thanks

$ 0.00
4 years ago