The F Boy

2 11
Avatar for Anjhie01
3 years ago
Topics: Thoughts, Life, Reality

One time umattend kami ng birthday party, nagkaroon kami ng konting salo salo hanggang sa kaming magkakaibigan nalang ang natira, nung nagtagal nagkekwento na siya about sa mga babae niya, mga nakalandian, nakaharutan, ultimo mga personal and private thing na ginawa nila buong detalye niyang kinekwento. Sa isip isip ko, siguro kung hindi ko to kaibigan at naging isa ako sa naging babae niya baka nasapak ko na siya. Abay detalyadong detalyado talaga lahat ng ginagawa niya sa mga naging ex niya pati mga deep dark secrets nila nilahad niya. Nakakaoffend kasi sa part ng babae na ganun yung maririnig mo, proud na proud niyang kinekwento para magmukha siyang bida at cool sa dami na ng babaeng nakama at nakarelasyon niya daw. Pag uwi namin, chinat ko siya na sana naman kung magkekwento siya, wag niya naman ilahad lahat pati yung mga private thing na ginagawa nila kasi sa part ng babae, nakakawala naman ng respeto, pwede namang piliin niya lang kung ano yung pwede niyang ishare samin at yung ibang detalye sakanya nalang yun. Kasi syempre kahit papano may pinagsamahan sila, may memories, pinagkatiwalaan din siya. Pero reply niya na ang sensitive ko daw. Di nalang ako sumagot. Am I being sensitive? Hindi ko lang talaga napigilan pagsabihan siya kasi syempre babae din ako at nakakadisappoint makarinig na yung lalake ganun yung kinekwento lahat sa barkada ultimo mga dark secrets na pinagkatiwala nila sa taong minsan na nilang minahal. Napaisip tuloy ako, ganun ba talaga mag usap ang ibang mga boys lalo na pag nasa inuman sila?

#sadreality

Sponsors of Anjhie01
empty
empty
empty

2
$ 0.00
Sponsors of Anjhie01
empty
empty
empty
Avatar for Anjhie01
3 years ago
Topics: Thoughts, Life, Reality

Comments

done po Encheng13 noisecash

$ 0.00
3 years ago

Thanks pp😇

$ 0.00
3 years ago