Noong taong 1998-2007 ay ang panahong sa kalye pa ang ating laruan kalye pa ang ating karamay sa mga talo at panalo. Nadoon din na nag karoon ka ng mg akakampi sa laban, kaaway at crush mong kapitbahay. marami tayong nagagawa dati sa langsangan ibat ibang laro nah nalalaro tulad ng patintero, tumbang preso, moro moro, shato, habulan tulungan, mataya taya at iba pa. Ang sarap balikan ang nakaraan na kung saan lalabas ka para mag hanap ng kalaro kailangan marami para mas masaya. Nakahit nalugi tayo sa kampihan tuloy parin ang pag ka seryoso ng laro. Naminsan e nauuwi pansa bangayan pero pag tapos ng lahat kayo parin yung magkakasama at magkwekwentuhan ng mga nangyari habnag nag lalaro. At sa kwentuhang yun andon ang mg pabida mong mga kaibigan na lagi bida sa mga laro at di nauubusan ng ipagmamalaki.pero kahit ganun ang sarap parin nyang kasama. Kay sarap balikan ang nakaraan ang kung pwede lang hilingin na sana kahit mtanda na ako ngayon makakita parin ako ng mg a batang nag lalaro sa kalsada at nagiingay sa sobrang saya. Kaso iba na kasi ngayon wala ka nang makikitang mga bata sa kalsada kung sa mga online games nalnag wala ka nang makikitang tumatakbo kung mga nakaupo nalang at nakadukdok sa mga sarile nilang selpon. Nakakamiss pero kailangna nating tanggapin na ang dating paglalaro ay minsan mo nalnag masisislayan sa panahong ito.
0
3