Ang Simbahan

0 60
Avatar for AngieYzueSalv
4 years ago

Sakali mang nakakamit natin ang lahat ng ating pangunahing pangangailangan, hindi pa rin ito nagbibigay ng katiyakan na magiging ganap na tayong masaya. sa apat na bilyong dolyar na kabuuang kayamanan ni HOWARD HUGHES, walang tao sa mundong ito ang mas mayaman pa sa kaniya noong nabubuhay pa siya. sa kabila nito, namatay siya noong 1976 na may palatandaan ng kakulangan sa pagkain, at sa taas na mahigit anim na talampakan, tumimbang lamang siya ng apatnapung kilo. Samantala, ayon sa pagsisiyasat ng senado, hindi bababa sa dalawampu ang mga bahay ni Janet Napoles sa Pilipinas at dalawa sa California, U.S.A. Dumating ang panahong hindi siya maaaring sa isa man sa mga ito, at kinailangan niyang iwanan lahat ang kaniyang mga pag-aari. Walang nagnais bumili ng mga bahay niya dahil sa masalimuot na kasaysayan ng mga ito. Pinatutunayan ng mga halimbawang ito na gaano man karami ang matamo ng isang tao para sa kaniyang sarili, mmakakaramdam pa rin sya ng kahungkangan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan. Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin.

Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa kabila ng kariwasaan.Iba't iba tayo ng antas ng pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng buhay: may mas malamim, may mas mababaw. Sa maraming pagkakataon ng iyong pagkabagot, dito mo mapagtatanto ang iyong kababawan, kung kaya nagpapatuwang ka sa mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag-unawa sa buhay. Lumalapitb sa sa mga lider ng moralidad: pari, pastor, ministro, imam, guru, monghe, at iba pa. Magpapatuwang ka sa kanila, at sasabihin mo,"Paki lang po."

Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakasasakop. Itinuturig nila ang kanilang mga sarili bilang kasabay natin sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang SIMBAHAN. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nilalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa. Hindi ka nag-iisa sa iyong pananampalataya.

Ito ang dahilan kung bakit hindi itinuturing ng Simbahang Katoliko, halimbawa, na hiwalay sila sa kalakhan ng lipunan, kundi bilang kasanib dito. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat na, "Paki lang."

Ang mga parokya halimbawa sa Pilipinas ay naoorganisa ng mas maliliit pang yunit na tinatawag na "Basic Ecclesial Community," o Maliit na Sambayanang Kristiyano. Ito ay upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba't ibang kalagayan ng iba't ibang pamayanan. Noong si Cardinal Gaudencio Rosales ay obispo pa lamang sa Bukidnon, ang mga kaabag o mga lider ng mga Basic Ecclesial Community ay nabigyang kapangyarihan ng DENR upang dumakip at maghabla sa mga nagtotroso. Ang mga kaabag o lider ay pinagkalooban ng mgaa two-way radio upang ipaalam ang impormasyon tuwing may papasok na trak sa mga kagubatan. Sa isang liblib na barangay sa bayan ng Valencia ay binaril at napatay si Fr. Nery Satur ng mga pinaghihinalaang nagtotroso. Noong 1997, isinulat ni Bishop Rosales ang talambuhay ni Fr. Satur. Pinamagatan niya itong "Father Nery Satur and the Church He Died for."

Ang COUPLES FOR CHRIST ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999. Mula noon, sa pamamagitan ng kanilang "Gawad Kalinga Project," nagkapagpatayo na rin sila ng mga pabahay sa iba't ibang lugar ng Pilipinas. Nakarating na rin sa ibang bansa ang proyektong ito tulad ng Australia, Austria, Cambodia, Canada, Colombia, India, Indonesia, Ireland, Kenya, Papua New Guinea, Singapore, South Africa, at United States.

-Copied from Book Edukasyong Pagpapakatao

Credit to the Authors

1
$ 0.00
Avatar for AngieYzueSalv
4 years ago

Comments