read.cash Log in
@Anghe

Dear on the max seener,πŸ˜•πŸ˜• Minsan di ko alam kung talaga bang tamad ka magreply Kasi dati di ko na kailangan pang maghintay Pero ngayon wow lang bay Ilang araw na message ko sayo Na stuck, na traffic, o baka naharang sa checkpoint ng iba reply mo Kaya iniignore mo si AKO Ang ganda ng banatan dati Pero anong nangyari? Nagising ako pagkatapos ng isang mahabang gabi Ako na unang nag good morning bebe Sabay ay mali Good morning lang pala hehe Tapos ako na nagtatanong sayo Kung ano ginagawa mo? Kumain ka na ba? Aiittt naman nabaliktad na ata Ako na unang pumapansin Kasi reply mo ay kadalasang di na akin Sige lang pagbibigyan kita Kahit sobra nang sakit Ampalaya'y tinalo na sa pait Pero ok lang di naman ako galit Bakit ako magagalit? Wala naman akong titulong nakamit Bilang isa sa mga taong di mo ipagpapalit. Paano kaya magmura? Sawa na kasi ko magmahal ng katulad mong tangaπŸ˜‚βœŒ Na paulit- ulit nangde-dedma Paulit- ulit binabalewala Mga tulad kong sayo'y nagpapahalaga. Naaalala ko pa, Mga sinabi mo sa'kin Na lahat ay maaayos din😊 Wow! Maaayos pala? Nagapapatawa kaba? Kung ang tinutukoy ko sa problema Ay di mo kilala? O marahil kilala mo pero di mo halata Na ikaw yun at walang iba.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.