Highschool Days: Creating our own myth about Cacao(Cocoa) Fruit
Article#41 June 06,2022
(2nd article of the month of june)
Hello my fellow readers here, I hope you are doing great and I wish that you are well and fine tonight.
I wasn't able to publish any article since June 03, because I am not feeling until now due to clogged nose and headache. I was so upset that I can't create any article because I can't focus writing but for now I tried to coz I wasted how many days just lying down on my bed due to my sickness. I hope I get better soon.
So here it goes like this...
When I was on senior highschool our adviser told us to create any story or myth which is about fruits. How did it grow and why did we call that fruit as that? As we all know, some of fruits or plants have its own story are: "Ang alamat ng Pinya", "The Makahiya plant and etc. I knew that some of here are familiar with that title. To create my own story and myth I preferred to create a story/myth about the Cacao Fruit.
" Alamat at Hiwaga ng Cacao Fruit"
Sa isang payapa, tahimik at matiwasay na lugar sa lungsod ng Amore, may mag-asawang naninirahan doon at may kambal na anak na pinangalanang Cassandra Vien at Kaori Vein.
Sa kambal na anak, si Cassandra ang mabait , mapagmahal at maalaga sa magulang at salungat naman sa ugali si Kaori. Isang araw, nagkasakit ang kanilang ina at walang ibang gagawa ng gawaing bahay kundi ang kambal sapagkat ang kanilang ama ay nasa bukid. Inutusan ng ina si Cassandra na maghanda na ng pagkain para dalhan ang ama pangtanghalian nito. Nang matapos ng maghanda, inutusan naman ng ina si Koari na sunduin ang ama sa bukid ngunit nagmamaktol ang anak at biglang nagalit ang ina at di mapigilang magsabi ng masasakit na salita kay Kaori. Nasaktan ng lubusan ang anak, naglayas at nagdamdam sa sinabi ng ina. Umiyak ng umiyak si Kaori at hindi niya namalayan na gabi na pala at sa subrang paghihikbi nito, napasandal siya sa isang puno ng baleti at dito na nagpahinga. May isang alitaptap na umaaligid sa kanya, ito'y kanyang pinagmasdan at hindi nagtagal ito'y kanyang hinuli. Nang kanyang nahuli, ang alitaptap ay bigla itong nagbago ng anyo, lumantad sa kanyang harapan ang isang magandang babae na kung tawagin ay diwata. Nang dahil sa takot , hindi nakapagsalita si Kaori at hindi nagtagal nawalan ito ng malay.
Lumipas ang isang linggo, hindi pa umuwi si Kaori sa kanilang bahay. Siya'y hinanap ng kanyang mga magulang at ng kanyang kambal na si Cassandra. Dahil sa subrang lungkot ni Cassandra, ito ay umalis sa bahay para hanapin ang nawawalang kapatid. Hindi niya namalayan na napunta siya sa kanilang bukid at doon niya nakita ang kanyang kambal. Nang kanyang lapitan ang kapatid na si Kaori, nagulat at nagtaka si Cassandra sapagkat hindi na ito humihinga at may isang bagay na nakaagaw ng kanyang pansin dahil may tumubong dahon sa katawan ng kapatid hanggang tuluyan ng maging isang ganap na puno na ito. Walang magawa si Cassandra kundi ang umiyak ng umiyak sa harap ng puno at nasambit ni Cassandra ang mga salitang " sana ako na lang, sana hindi kita pinabayaan, hindi ka sana magiging ganito". Napahagulhol na lang si Cassandra at hindi niya alam na narinig pala ito ng diwata. Tinupad ang kaniyang kahilingan at si Cassandra ay naging bunga ng puno na si Kaori. Lumipas ang isang buwan, hindi na nakita ng mag-asawa ang mga anak. Hinanap ng maga-asawa ang mga anak sa bawat sulok ng kanilang bahay subalit hindi nila makita ang kambal.
Nawalan na ng pag-asa ang mag-asawa at napagpasyahan na lumipat sa bundok para doon manirahan. Nang makarating sila sa kanilang bukid, nakita nila ang isang puno na nakaagaw sa kanilang atensiyon na nakatayo malapit sa kanilang munting kubo. Sa punong iyon may isang bunga na nag-udyok sa mag-asawa na kunin at tikman ito. Sa kasamaang palad, akala nila pati balat nito ay pweding kainin subalit ng matikman, ito'y napakapait at may sumagi sa isipan ng mag-asawa. Ang pait ng lasa ay naihambing nila sa kanilang anak na si Kaori na sutil at napakasama ang ugali at ng buksan nila ang bunga, dito nila natikman ang hiwaga nito sapagkat napakatamis ang lasa nito at napakasarap pa at biglang napaiyak ang mag-asawa sapagkat naalala nila ang kambal ni Kaori na si Cassandra na may ugaling mabait, maalalahanin at mapagmahal sa mga magulang.
Kaya mula noon, inalagaan ng mag-asawa ang puno na katulad ng pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang kambal na anak at sa punong iyon, pinangalanan ng maga-asawa na ang hiwaga ng puno ng CACAO at ito ang alamat at hiwaga ng CACAO.
Lesson learned: We all know that sometimes our parents scolded us for the mistakes we've done but they only did that because they only want us to be disciplined and have manners. No parents wants their children put in danger or to be harm. They only want us to be loved, care and be protected. And also, even how many times you fought your siblings still they care and love you no matter what happens. We must also remember that we must learned from our mistakes. Family is always there especially when we have problems which we are facing, they are the one who can we lean on to.
Until here my fellow read.cash family. I hope you enjoy reading.
" Ang mga tauhan sa kwento ay sadyang kathang-isip lamang".
Before I forget, to my likers, commentators, subscribers, supporters and for the upvoted tips thank you as always. I appreciated it a lot.
And to my loving, encouraging and inspiring sponsor thank you so much.
Once again, good evening to all of us my fellow readers. Have a wonderful, fruitful and productive Monday night to all of us.
God bless us all and more powers.
Before I go, I just wanna flex our viand this night.. It is kinilawng langka... Hehehehe
Lead Image: from Unsplash.com
💕 Love_Angge22😘
Nice alamat sis. Didn't know about the alamat of Cacao