Sa pagtunog ng bell, saan man naroo'y mapapatitigil ka.
Tatayo ng tuwid.
Dadamhin ng bawat nating kanang kamay ang pagtibok ng ating mga puso.
May boses kung saan mang aalingawngaw.Humanda daw at umawit.
At sa ilang saglit pa'y tuluyan ng lalamunin ang paligid ng nag-aalab na damdamin kasabay ng mga himig at liriko habang tinitingila ang kumiskislap na watawat.
Ganito ang tagpo araw-araw o di kaya ay tuwing lunes sa mga paaralan at mga pampublikong lugar gaya ng mga munisipyo at hospital.Sa kantang ito, walang sinumang Pilipino ang nawawala sa tono at sintunado.Tumatagos ang bawat liriko at nagkakaisa ang mga himig hanggang sa dalawang mga huling linya ng awit.
"...Aming ligaya ng pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sayo..."
Aling kanta ang hihigit pa kaya sa ating pambansang awit na Lupang Hinirang?
Hindi lang isang awit na sasabayan ang kantang ito.Ito ay isang kwentong hinulma pa ng kasaysayan noong taong 1899 ni Jose Palma na isang makata at sundalo base sa kanyang tula na "Filipinas" na sinaliwan sa himig ng "Marcha National Filipina" na komposisyon naman ni Julian Felipe na isang kilalang kompositor na ipinatugtog ng ideklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng bansa mula sa mahabang panahong pagkakakulong sa kamay ng mga kastila.
Maging ang mga kantahan ni Moira Dela Torre at ng bandang December Avenue ay hindi maaarok ang masidhing emosyong patriorismo na namayani sa awiting ito.Sinulat ang kantang ito sa rurok ng pinakamatayog na emosyong mararamdaman ng mga bayaning gaya nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Heneral Luna, Emilio Aguinaldo, Gregorio Del Pilar na handang ipaglaban hanggang sa kahuli-hulihang hininga ang perlas ng silanganan.Katulad ng mga damdaming hindi maibabaon sa limot at mga binuwis na buhay , ay walang katumbas sa adhikain ang mga tao sa likod ng makasaysayang awit na ito.
Ngunit matapos ang ilang dekada ng pakikibaka ay tila nabuhay muli ang damdaming makabayan ng mga Pilipino ng ihayag ng Senate President na si Tito Sotto, ang kanyang adhikain na palitang ang huking linya sa pambansang awit na "ang mamatay ng dahil sayo" at gawin itong " ang ipaglaban ang kalayaan mo".Defeatist attitude o di kaya'y negatibong pananaw ika nya ito o tinanggap na ng mga Pilipino ang pagkatalo sapagkat sila ay mamatay agad .
Gamit ang taglay na kalayaan sa ekspresyon ay maraming pinoy ang naglabas ng mariing pagtutol lalo at sariwa pa ang isyu ng tawaging "bayang magiliw" ni Sen.Tito Sotto ang pamagat ng pambansang awit na Lupang Hinirang .
Ang mga naghalo halong emosyonna umalingawngaw sa social media ay tanda ng pagpapahalaga at pagbabalik-tanaw ng mamamayang Pilipino sa katapanganat sakripisyo ng mga bayani ng nagdaang panahon.Matagal mang nahimlay ang mga taong nagbuwis ng buhay para sa bayan ay nanatili namang gising ang puso't diwa ng marami na ipaglaban sa anumang bagay na patungkol sa kasaysayan ng bayan.
Anu't anupa man ,ating tandaan na ang komposisyon na tulad ng ating pambansang awit ay higit pa sa isang awit na sinasambit para buksang prmal ang anumang ganap.Ito ay obra ng mga nauumid na dila at damdaming patriotismo na itinago sa mga kataga , liriko at tono na tanging mga taong naging parte at saksi ng kasaysayan sa panahong iyon ang lubos na makababatid Ito ay pamana na nakaukit na sa kasaysayan na naging sanndigan na ng ating lahi para ipakita ang katapangan at maalab na damdamin ng pagsasakripisyo para sa perlas ng silangan na minsang inangkin ng mga dayuhan.