#Walang pasok.Dadalawang salita na pagmumulan ng samu't -saring komento at reaksyon.Maraming iba dyan na matutuwa,marahil dahil "extended" ang higa sa kama o "extended" ang oras para gumawa ng takdang -aralin.Bilang kabaliktaran,may iba na malulungkot.Sila yung mga taong pag #walang pasok ay #walang baon din o di kaya sila yung magpapatama sa mga social media na "Sana kung postpone yung klase sa school,sana "postpone " din yung mga gawain sa bahay."
Iba't -ibang reaksyon,komento at sinasabi.May iba na halos nagkakatulad ng dahilan o rason sa nakararami.Pero may iilang reaksyon din na aangat at maiiba sa pananaw ng madla .Hindi mo masasabing tama o maliit , ngunit isang bagay ang masisisguro mo,ang lahat ng iyan ay nag-ugat dahil sa pagkakaroon ng tao ng tinatawag na iba't-ibang "perspektib."
Perspektib-huwag na nating ilayo o pakalaliman ang usapan ,sapagkat sa isang salita na maiintindihan ng lahat ay maating tukuyin ang salitan "perspektib" na kasing kahulugan ng salitang "pananaw."Ito yung paraan kung paano titignan ang isang bagay sa iba't-ibang anggulo. Maaaring sa paraan kung paano mo ba ito nakikita gamit ang dalawang mata katulad ng nakararami o sa paraan na kakaiba at mas malalim,ika nga sa Ingles yung "beyond the expectations."
"We people are born unique."Iba't-iba tayo kumbaga.Walang taong ipinanganak na katulad na katulad ng isa.Kahit ang dalawang "identical twins"na magkamukhang magkamukha mula ulo hanggang paa ay di mo masasabing tunay na magkapareha o iisa .Kung titignan mo sa ibang aspeto,halimbawa,ay maaaring magkaiba pala sila ng ugali o di kaya malay mo bang yung isa may nunal tapos yung isa wala.Siguro yan na rin yung rason kung bakit nagkakaroon ang tao ng iba't-ibang perspektib o pananaw sa buhay.Iba't-iba tayo ng personalidad o pagkatao.At yung "iba't-ibang personalidad" nayan ay nangahuhulugan ng pag-usbong ng "iba't-ibang perspektib o pananaw."
Isang halimbawa ng pag-usbong ng iba't-ibang perspektib mula sa ibat-ibang pagkatao ay yung pananaw ng iba't-ibang tao mula sa saysay ng isang bubuyog maliban sa pagiging isang insekto nito.Kung ang isang bata na namimitas ng bulaklak ay kinagat ng bubuyog,malamang na magiging "first impression" ng batang iyon tungo sa bubuyog ay,'Ang tunguhin ng bubuyog ay mangagat '.Kung isang pilosopo naman ang makikita sa isang bubuyog na sumisipsip ng nectar sa mga bulaklak,ganoon din ang magiging pananaw nya.Hahangaan nya ang bubuyog dahil' Ang bubuyog ay sumisipsip ng nectar sa bulaklak'.Isang botanist din ang nakasaksi sa ginagawang paglilipat-lipat ng mga bubuyog sa mga halaman,bilang botanist,iisipin nyang malaki ang naitutulong ng bubuyog sa pagpaparami ng halaman dahil sa ginagawa nito.
Sa sitwasyong iyan ay malinaw na mahihinuha natin na madalas ang perspektib o pananaw ng tao ay sumasalamin sa pagkatao nya .Lumilitaw ang iba't-ibang pananaw ,hindi dahil sa nakararanas tayo ng eksaktong magkaibang sitwasyon,kundi ito ay dahil sa magkakaibang aspeto ng sitwasyon na naranasan natin kaya nakapagbibigay tayo ng perspektib na iba sa perspektib ng iba.Ang iba't-ibang sitwasyon ang nagiging daan upang gumawa ka ng nga pananaw kung paano mo titignan ang mga bagay bagay sa mundo.
Sa buhay isang katotohanan na yung nararamdamn natin ay bunga o naapektuhan kung paano tignan ang mga bagay.Halimbawa,nagseselos ka dahil nakita mo yung crush mo na may kausap na iba.Yan ,yung tipong wala namang kayo pero kung makaramdam ka ng selos ay parang merong kayo .Kaya nga kung nasasaktan ka ,bakit di mo subukang baliktarin yung pananaw mo sa nakita mo ."Look at things" different."Lahat ng bagay sa mundo nagbabago.Tandaan:Change is the only constant anf permanent thing in this world."Kaya ano pa nga bang magagawa mo kundi sakyan ang agos ng pagbabago.
"Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula."
Oo,mahirap talagang baguhin yung mga bagay na nakasanayan mo na.Nandoon yung takot na baka mag-iba yung tingin ng tao sayo o mag-iba yung sitwasyon.Pero isipin mo,kung di ka magbabago,may mapapala kaba?Kaya heto ang limang paraan kung paano mo babaguhin yung mga pananaw mo sa buhay for the better .
1."Wag kang 'Nega!"
Yan,minsan madalas kasi na di paman nangyayari ang isang bagay ,pinapangunahan na agad natin ng mga negatibong pangitain.Yung mga "what if's and but's,naguunahan na.Ang OA lang haha.Pwede naman kasi na yung positibo yung isipin natin para "good vibes "lang.
Tulad ng naunang halimbawa,nagselos ka dahil mong may kausap yung ultimate crush mo na babae.Burahin ang bad vibes ,baka naaga kang matigok kakaselos."Think positive," malay mo ate nya lang yun.Sadyang OA kalang mag-react.
2.Tapyasin ang "Im" sa salitang Impossible"
Madalas na nawawalan tayo ng gana gawin ang mga bagay kasi feeling natin impossible.(Nagpifeeling na naman tayo kaya tayo nasasakatan eh).Nothing is impossible,ika nga.Bakit di mo simulan sa msliit na bagay yung malaking bagay na feeling mo impossible.Lahat namn ng bagay nagsisimula sa maliit ,diba?
Kung feeling mo na impossible kang magustuhan ng crush mo dahil ni hindi nga nya alam na nage-exist ka pala sa mundo,edi magpakilala ka.Hindi ka namm siguro mamatay sa simpleng "Hi" kay crush,diba? (Mamatay sa kilig,pwede pa )
3.Ibahin mo yung tingin mo sa ibang tao
Una sa lahat, mahirap talagang baguhin yung mga bagay na nakasanayan mona,gaya ng mga first impressions natin .Pero wala namang mawawala kung susubukan mong tignan sya sa ibang anggulo ,diba?Sa ganyang paraan nga baka mas maging magaan pa para sayo ang mga bagay bagay.
Halimbawa ,imbes na isipin mong panget ka kaya feeling mo di ka nagugustuhan ng crush mo,bakit hindi mo tignan at isipin yung amggulong bakla pala sya kaya ganon.Na kaya di kanya nagustuhan,kasi di kayo talo,na lalaki din pala ang tipo nya .Sa ganyang paraan di ka masyadong masasaktan
4.Maging bukas isip
"No man is an island " ika nga .Kailangan mong makisalamuha bilang tao .Nakikita mo ba kung gaano kaboring mabuhay mag-isa?Tsaka isipin mong malaki ang maitutulong ng mga taong iyon sa paglago mo bilang tao kung pakikinggan mo sila at magiging bukas sa mga pananaw nila at sa ideyang magbago.
5.Wag mo nang balikan yung palpak na nakaraan
"One is enough,two is too much and three is a habit".Wag mo nang ulit-ulitin yung mga bagay na una palang ay alam mong mali na,palpak na.Tanggapin mo nalang na marahil na hindi gumana yung mga nauna mong pananaw kaya sa susunod ibahin mo na lang."Move on "at "Change for the better."
"Look at things different."Minsan naidip mo din ba kung bakit kailangan tumaliwas kapa sa pananaw ng iba ,kung pwede namang sumabay nalang sa agos?Simple lang ,Oo,totoo ang kssabihan na "Majority wins"pero hindi sa lahat ng oras tama ang buong" majority".Minsan nagpapatangay nalang sila sa agos.Kung titigna mo ang bagay sa iba't-ibang pananaw o anggulo,ay hinahayaan mo na rin ang sarili mong tignan ang mas maganda at positibong anyo ng mga bagay bagay.Nailalayo ka din nito sa mga maling paniniwala at baluktot na katotohanan.Isa pa ang pagtingin sa ibang pananaw ay namgahuhulugan ding pagtakwil sa ideya ng pagiging "biased",yan ay kung hahayaan mong maging patas ka sa pagtimbang sa mga bagay bagay.Kung ganyan ang takbo ng hustisya sa mundo,marahil walang gulo.Kung hahayaan lang nilang tignan ang halaga at igagalang ang pananaw ng bawat tao sa bagay bagay,marahil mas nagkakasundo tayo .Walang nasasaktan at nababaliwalang pananaw kung titignan natin ang bawat perspektib ng tao,hindi yung feeling tayo ng tayo na lang yung tama at yung iba ay mali.
"Look at things "Hindi namam kasi dahil lumihis ka sa nakasanayan ng marami mali ka na.Sabihin natin na kaksiba kalang.Nakikita mo lang ang mga bagay na ika nga nila ay "beyond expectations",mas malalim at makabuluhan kumpara sa mga karaniwang nakikita ng ating dalawang mata.Tulad na lamang ni Albert Einstein .
Noong una ang pagkakakilala sa mga ideya nya noon ay pawang walang basehan at kabaliwan lamang dahilan kung bakit noong una ay hindi tinatanggap ng mga naunang siyentista ang mga ideya nya sa mundo ng syensya.Pero sa huli ay napagtanto nila na kakaiba ang mga ideya niya.Sino ba naman kasing magaakala na ang isang tao na tulad nya ay may kakayahan palang tignan ang mga bagay sa mas malalim ,malawak na pananaw na higit pa sa nagagawa ng mga kasama nya.Kaya ang ending ay kinilala sya bilang isang henyo .Dahil sa
#he look at things differently,ay narating nya ang rurok ng kaitasan na tinitingala at hinahangaan ng mga tao hanggang ngayon.Take note kung bakit narating nya iyon, dahil kakaiba sya.
"You have to be odd,to be number one" ika nga ni Dr.Seuss.Kadalasan sa mga nagwawagi sa mga patimpalak ay yaong mga tipong "extraordinary".Kailangan maipakita mo yung asset mo na kakaiba sa lahat para ipanalo mo yung laban.Hindi mo kailangang sumabay lagi sa karamihan,dahil minsan,ang naiiba ay kakaiba.