Infanta,Quezon .Isang alok sa halagang 400pesos na minsan kong tinanggihan."Minsan lang naman ito eh ,tiyak na hindi mo pagsisihan ang isang araw na ilaan mo ."Ang panghihikayat na yan na masasabi ko ding pangungosensya ang nag-udyok sa isang desisyon ko para subukan ko ang panandaliang liwaliw na tinutukoy nila."Sige po susubukan ko."At sa mga katagang yan nagsimula ang lahat.
Nakakapagod, masaya, at isa sa mga hindi ko malilimutang pagliliwaliw na gugustuhin kong balik-balikan muli.
NAKAKAPAGOD PALA ANG FIRST TIME
Halos magaalas-onse na ng gabi nun ng umalis kamu,malayo sa alas diyes na usapan .First time kong aalis ng ganoong oras kasama ang mga kamag-anak namin.Medyo mahaba haba ang byahe kaya napagdesisyunang gabi umalis,para daw iwas traffic at di gaanong hassle.Lulan ng van na nirentahan ay tinalunton namin ang daan.Medyo masikip sa loob kasi madami kami.Yubg tipong kagit may aircon(na di ko naman ramdam ang presensya) at gabi ay nakararamdam ps din kami ng init at alinsangan sa loob,pero mas nangingibabaw yung feeling ng excitement sakin.First time ko kasing pupunta nang dagat.
Noong mga naunang oras ng byahe ay buhay na buhay pa kaming mga nasa loob ng van,syempre excited.Pero nung mga nasa kalagitnaan na unti-unti ba silang nanaknockdown,lalo na yung mga bata sa loob,medyo lumalamig na din kasi ang simoy ng hangin kaya masarap talagang matulog.Pero ako ako ewan ko.Buhay na buhay pa din yung diwa ko.Ayaw ko pa kasing matulog .Bukod sa ayaw kong marinig nila ang hilik ko pag tuluyan na akong nilamon ng antok, ay nag-eenjoy din kasi akong tignan yung view ng mga dinadaanan namin kahit na medyo madilim.May dinaanan kaming malazigzag sa Baguio,sa bandang Tanay ata yun,nakakatakot.May dinaan din kaming elevated na lugar na parang kulisap na steady yung mga ilaw ng mga bahay kapag nasa malayuan Madami ding mga nagtatayugamg puno na ang creepy tignan.Yung feeling na halos kayo lang yung sasakyan na dumadaan sa kalsada na napaliligiran ng mgax naglalakihang puno,tahimik tapos tanging yung ilaw lang ng sasakyan yung nagsisilbing tanglaw nyo,ganon.Tapos nung nasa Quezon na kami ,Real ata yun, ay unti unti ko nang natatanaw yung view ng dagat kahit madilim.
Tic.Tac.Tic .Tac.Hanggang sa namalayan ko na lang na tumigil yung sasakyan sa ikatlong pagkakataon.Yung pinsan ko at mga pamangkin nagsimula na ding magunat unat .Yung kapatid ko antibay eh,nakanganga pa.Pero nagising din naman nung niyugyog ko sya.Nakakapagod.Yung pakiramdam na kahit nakaupo ka lang naman sa byahe pero parang pagod na pagod ka.Nakaramdam ako ng antok,parang gusto ko nang matulog
at labis akong nagsisi kung bakit di nalang ako natulog sa byahe.Pero pagbaba ko ng sasakyan,kalimutan nyo nalang yung sinabi ko na inaantok ako.Nawala yung pagod at antok ko
"Welcome to INFANTA,QUEZON"
“Masaya ang first time.”
Noong unang beses na tumapak ang paa ko sa buhangin "This is is pansit".Gusto ko nang magdirediretso sa dagat at lumubog(o lumutang? Hahaha).Pero kumalma lang ako Baka mapaghalataang atat eh.Pagkapark ng sasakyan ,diretso kami sa cottage.Inayos na nila yung mga dala nila lalo na yung mga pagkain at lulutuin .Yung mga batang kasama namin nagtatakbo nasa dagat kaya yun nakitakbo na din ako .Madilim pa kaya di ko pa gaanong maaninag yung kulay ng dagat.Nakatayo ako sa isang banda at tinignan ko yung malawak na dagat.May mga bangkang nakadaong sa di kalayuan .May mga puni ng niyog dun sa paligid.Doon ko nasaksihan kung gaano kaganda tignan ang tambalan ng dagat at langit na napalalamutian ng mga bituin na sinabayan pa ng magkamig na simoy ng hangin .Nagulantang na lang ako ng maramdaman kobg may kung anong bumasa sa paa ko,alon.Mababaw lang ang alon ,lowtide daw kasi.Ilang sandali ang lumipas at unti unti na ding sumilay ang haring araw.Ito pala yung sunrise na tinatawag nila.Astig.Gusto ko picturan yung view kaso biglang sumagi sa isip ko na wala pala akong camera . Alasais na din pasado na masasabi kong opisyal kong matapakan ang tubig dagat .Malamig ang tubig.Unti unti ko na ding nasilayan ang kulay ng dagat.Hindi sya yung dagat na napifeature sa T.V gaya ng Boracay,kasi Infanta sya .Malawak na asul na tubig na may tumitining na alon .May sariling ganda ito na hahangaan mo at ipagpapasalamat at binigay ng kalikasan .Sa wakas ,sa loob ng 17 years of existing ko sa mundo ay nasilayan ko ang anyo ng isang tunay na dagat .Noong una tampi tampisaw lang ako na parang bata.Nilakad ko yung dagat sa abot ng mararating ng paa ko,mababaw pa kasi lowtide. Mataas na ang araw pagsapit ng alas nuebe.Kasabay nito ay ang pagdami na din ng mga taong lumulubog sa dagat.Ngunit hindi lang tao ang makikita mo sa tubig dagat,may mga dikya na maliliit na nagpapatalbog talbog at nalutang ,kulay brown at madami.Nung una natatakot ako kasi sabi nila nangunguryente daw iyon.Pero nawala din yung takot na iyon ng makakita ako ng mga batang abala sa panghuhuli ng mga iyon at inilalagay sa mga garapon at bote.Naiingit ako kaya nakigaya na din kami.Nang tumagal ay napagtanto namin na bagamat hindi naman pala sya nangunguryente ay makati pala sya sa katawan,kaya yun binigay na lang namin sa iba .Kasabay ng pagtirik ng araw ay ang pagsagi ng isang reyalisasyon na sa loob pala ng labing pitong taon kong pamumuhay sa mundong ibabaw ay hindi pa din pala ako marunong lumangoy.Nakakahiya mang isipin at aminin ay tila mas marunong pa atang maglangoy langoy yung mga kasama naming bata.Truth hurts talaga.Hindi lang yun yung masakit,tiniteyk advantage nila ying kamangmangan ko sa dagat ,dinadala nila ako sa malayo tapos kunwari inaalalayan tapos bigla akong iiwanan.Nakakainis mang isipin aysa edad kong iyon ay muntik na akong malunod .Habang tumatagal ay nararamdaman ko na yung paghapdi ng mga mata kodahil sa tubig alat.Masakit na din sa balat.Nang umahon kami ay kumain na kami.Menudo,pansit,spaghetti,tinapay,inihaw na bangus at tilapyaat gelatin yung mga pagkaing dala nila.Dinaan ko nalang sa pagkain yung hinanakit ko .Hindi man ako magaling magswimming at least sa pagkain ay ...yun. Hahahaha.Sinulit ko na lgang yung binayad kong 400 sa pagkain.Kasi hanggang tampisaw lang talaga ako sa dagat ei.Matapos kumain kung ano ano yung ginawa namin.Naroong tinabunan namin ng buhangin yung kasama namin,mata mataya sa tubig,hanapan piso,patagalan sa tubig at yung pinaka nakakainsulto,yung palayuan ng swimming at sisid sa tubig.Pero dahil nga walang forever,alas kwatro palang ay nagsimula na kaming umahon.Mahaba pa daw kadi yung byahe.Kahit gaano talaga kasaya,kapag time na ,awat na,kasi kung hindi baka maiwan ako sa Infanta ei.
“Hindi ko makalilimutan ang alaala ng first time”
Pano ko ba naman makalilimutan ang araw na iyon ,eh iyon ang araw na nakarating ako sa dagat,first time kong makita ng dikya,first time kong muntik na malunodat bukod dun ay ito rin ying first time na sumama ako sa outing na kasama yung mga kamag anak namin.Isa ito sa mga di ko makalilimutang bakasyon sa tanavng buhay ko.
Infanta,Quezon.Isang alok na sa halagang 400 pesos ay muntik ko nang tanggihan.First time ,alok na kung nagkataong tinanggihan ko ay lubos kong pagsisihan.Hindi lang siguro dahil sa pagkakataon na marating ko yung lugar ang pakakawalan ko kung nagkataon,sapagkat yung family bonding,yung saya at excitement,yun yung priceless.