Ayaw ko sumulat ng tula

0 15
Avatar for Angge026
3 years ago
Topics: Poetry

Ayaw ko sumulat ng tula

kung ikaw lang din ang paksa.

Natatakot akong magbalik-tanaw

Sa kung ano ang nabuo sa atin dati.

Mali.

Sa kung ano ang muntik na sanang mabuo sa atin dati.

Ayaw ko na sumulat ng tula

Dahil alam kong ang tintang ipansusulat ko rito

ay mga alaala mula ng tayo ay nagkakilala

Ngunit bakit nga ba ako mag-aalala

Na maubusan ng tinta

Gayong batid ko naman na marami

akong alaalang binulsa noong kasama ka pa.

Ayaw ko sumulat ng tula

Tapos ikaw ang paksa

Dahil baka hindi mag-tugma

Ang bawat mong kataga dati

Sa kung ano ang ating sinapit ngayon.

Ayaw kong sukatin.

2
$ 0.00

Comments