Sana'y Makamtan
Sa mga sandaling ako'y nag-iisa Laging dinadalaw ng pagkabalisa Pagkat sumasagi sa aking isipan Mga alaala ng ating nagdaan Mga alaalang ka'y hirap limutin Dito sa'king puso ka'y hirap burahin Mga paglalaro sa dalampasigan Mga tawanan na walang katapusan Ngunit ngayong sa piling ko'y lumisan Tila walang saysay ang naging suyuan Ganun pa man ako ay umaasa Na upang maibsan yaring pagdurusa Nawa sa'king piling ay magbalik ka Tunay na pag-ibig Sana'y Makamtan na Ito yung tulang sinulat ko nung grade 6 ako .Yung panahong ang tingin ko sa crush ay true love na πTill now na 31 y.o na ako hindi ko pa rin nakakalimutan.
2 comments
First love ba? Ganda din ng tula,,aq nmn nakagawa ng kanta noon for my first love haha..
Ewan kong perslab un π elementary palang ako eh..ngaun nga friend ko sa fb un eh.byudo na nga lang one year palang naikasal namatay si girl sa panganganak