Alone

0 23
Avatar for Angel_183
3 years ago

Sa isang malaking bahay, mayroong isang pamilya ang nakatira. Ang kanilang mga pangalan ay sina

  • Ren(nanay)

  • John(tatay)

  • jella(panganay)

  • James(pangalawa sa panganay)

  • yula(bunso)

Magkaka sundo silang lahat maliban kay Jella. Si Jella ay hindi malapit sa kanyang pamilya at laging nag iisa.

Isang araw, si Ren ay nagyayang mag bakasyon sa beach. Tinanong nya ang kanyang mga anak kung gusto ba nila?

James: talaga po? Opo gusto ko po sumama

Yula: Opo opo, gusto ko pong sumama. Yey!! Exited na ako

Jella : Ayaw ko po. Di to nalang ako mag isa.

Ren: sumama ka na Jella. Masaya dun.

Jella: ayaw ko nga po ehh. (Galit na umalis at pumunta sa kanyang kwarto)

John: hayaan mo na sya. Ayun ang gusto nya. Tayo nalang ang umalis

Makalipas ang 5 oras, umalis na sila at naiwan si Jella. Kinagabihan, nagugutom na si Jella kaya bumaba ito sa kanyang kwarto. Ang lahat ng ilaw ay naka patay dahil hindi nya ito nabuksan kanina. Habang sya ay naglalakad papuntang kusina, may narinig syang katok sa pintuan.

Jella: Sino yan? May tao ba dyan?

Maya-maya tumigil na ang pagkatok kaya pumunta na sya sa kusina. Habang nasa kusina sya, may narinig syang tunog na naglalakad. Takot na takot sya hanggang na paupo nalang sya sa sahig at nagtago. Pawis na pawis na sya at takot na takot dahil sa kanyang mga naririnig.

Kinaumagahan, siya ay naka gising na. Basang basa ang kanyang damit kay ito'y nag palit ng damit. Hinihintay nyang umuwi ang kanyang pamilya ngunit wala pa ito. Nag hantay sya mag hapon ngunit wala parin sila. Bago mag gabi, kumuha na sya ng mga pagkain at pumunta sa kwarto para dun na kumain. Maya- maya may narinig nanaman syang katok. Kala nya ang kanyang kapatid na ito at magulang. Kaya bumaba ito sa kanyang kwarto at mabilis na naglakad papuntang pinto. Bago nya buksan ang pinto tinanong nya muna ito.

Jella: Mama? Papa? Kayo po ba ito?

Walang sumasagot sa pintuan kaya ito'y nagtataka. Binuksan nya ang pinto ngunit walang tao. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso at natatakot. Sinara nya ang pinto at dali daling pumunta sa kanyang kwarto. Habang tumatakbo, may narinig syang tunog ng naglalakad. Tumakbo parin sya hanggang sa maka punta na sa kanyang kwarto. Dali dali nyang sinara at pinto at nagtalukbong ng kumot.

Jella: Mama, Papa nasaan na kayo? Umuwi na po kayo. (Umiyak sya ng umiyak hanggang makatulog)

Kinabukasan,dumating na ang kanyang mga kapatid at magulang. Biglang bumangon si Jella sa kanyang kama at tumakbo ng mabilis papunta sa kanyang mama at papa.

Jella: Mama, papa, namiss ko po kayo (niyakap nya ang kanyang magulang )

Ren: namiss din kita anak. Kamusta ks dito nung wala kami?

Jella: ako po? Ahhh, ok lang po ako

Hindi ni Jella sinabi ang nangyari at nagpanggap ito na walang nangyari.

Ang magkapatid na sina James at yula ay magkasama sa kwarto at ang mag asawang sina Jen at John sy magkasama din sa isang kwarto.Samantalang si Jella ay mag isa lang sa kwarto. Kinagabihan si Jella ay biglang na uhaw kaya bumaba ito ng kwarto. Maya- maya bilang may narinig uli syang katok sa pinto. Takot na takot sya kaya nagmamadaling pumunta sa kanyang magulang.

Jella:Mama, papa, maaari ba akong tumabi sainyo?

Ren at John: oo naman anak. Halika dito sa gitna ka humiga

Kinaumagahan, nag handa ang nanay ni jella na si ren ng almusal. Tinawag niya ang kanyang mga anak.

Ren: Anak, kain na. Bumaba na kayo

Mga anak:opo nanay.

Maya maya nag tanong sina ren at john sa kanyang anak na si jella

John: anak bakit ka pala pumunta at naki tulog sa amin kagabi?

Jella: ahh wala po iyon. Na naginip lang po ako

Ren: basta pag may problema sabihin mo sakin

Jella: sige po.

Hindi nya parin ito sinabi sa kanila. Bagkus ay tinago niya ito sa kanila.

Tuwing gabi, si Jella ay laging takot na takot. Laki syang nagtatalukbong at maagang natutulog. Siya ay basang basa ng pawis dahil sa kanyang pagtatago sa loob ng kumot.

Isang araw, ang kanyang kapatid na si Yula nauhaw kaya kumuha ito ng tubig sa ibaba. Bago sya pumunta sa kanyang kwarto, napa silip sya sa kwarto ng kanyang ate na si Jella. Nakita nya itong naka talukbong ng kumot kaya nilapitan nya ito.

Yula: ate bakit ka po naka talukbong ng kumot?

Jella: malamig ehh.

Yula: ehh bakit ka po basa ? Puro pawis ka din po.

Sinabi na ni Jella ang kanyang naririnig kay Yula.

Jella: kasi nung umalis kayo may naririnig na katok sa pinto ngunit walang tao at parang may naglalakad papunta sakin.

Yula: ang ibig sabihin nyo po ba multo? Bakit po wala naman po akong naririnig?

Jella: wag mo nalang isipin yung sinabi ko. Matulog ka na dun.

(Si Yula ay hindi na inintindi ang sinabi ng kanyang ate.)

Makalipas ang ilang araw, wala ng naririnig na tunog si Jella. Kaya ang kanyang takot ay nawala na. Nagiging malapit na din sya sa kanyang pamilya. Nakikisama na din siya sa kanila.


Maka lipas ang 1 buwan, ang dalawang magkapatid na si Yula at James ay may Field trip. Mga 2 araw daw sila mag tatagal doon. Samantalang ang kanyang nanay na si Ren ay may bonding din sa kanyang mga kaibigan. Magkakaroon sila ng party sa malayong lugar. Ang kanyang tatay naman na si John ay nagkataon ding kailangang umalis. Ang panganay na si Jella ay naiwan mula sa kanilang bahay. Gusto niyang sumama sa kanyang mga magulang ngunit hindi pwede. Kaya si Jella ay naiwan uli sa kanilang bahay.

Gusto na nya sanang sabihin ang mga naririnig nya dati ngunit wala syang pagkakataong sabihin ito sa kanila dahil busy silang lahat.

Nang naka alis na silang lahat, naiwan nanaman si Jella. Nilibang nya ang kanyang sarili para hindi nya marinig ang tunog. Nang matutulog na sya, may narinig na uli syang katok sa pinto. Kinabahan na sya at umupo sa isang sulok.

Jella: Ma, na tatakot po ako. Umuwi na kayo please (umiiyak na sinabi)

Binuksan ni Jella ang ilaw ng kanyang kwarto. Maya-maya ang ilaw ay nag patay bukas. Mas lalo syang natakot. Bigla ding umihip ng malakas na hangin. Ang kanysng bintana ay bumukas. Kasabay ng ihip ng hangin, umulan din ng malakas at nagkaroon ng matitinding kidlat. Takot na takot na si Jella hanggang sa hindi na ito naka pag salita.

Ang kanyang ina na si Ren ay naka uwi ng mabilis. Naka uei ito kinabukasan ng madaling araw. Binuksan nya ang pinto nila at hinanap ang kanyang anak.

Ren: Jella? Asan ka?

Pumunta si Ren sa kanyang kwarto. Hanggang sa makita nya na si Jella ay naka higa na sa sahig at basang basa.

Ren: anak, gumising ka. Anak?

Si Jella ay gumising ngunit ito'y tulala na at di nagsasalita.

Maya maya dumating na din ang tatay ni Jella at ang mga kapatid niya. Pumunta s Ren at John sa hospital upang mapagaling si Jella. Ngunit ang dalawa nyang kapatid ay naiwan.

Mag asawa: dadalhin muna namin sa hospital si Jella. Dito muna kayo ahh. Wag kayong lalabas.

Magkapatid: opo, dito lang po kami.

Ren: sige, baka bukas pa kami maka uwi ng tatay nyo.

Yula: sige po ma. Bye po.

Naiwan ang dalawang magkapatid sa kanilang bahay. Ang dalawang bata ay nag laro nh naglaro. Kinagabihan, ng papunta na sila sa kanilang kwarto upang matulog. Bilang may narinig silang ingay.

Yula: kuya, narinig mo ba yun?

James: oo, parang katok

Yula: tara tignan natin kung sino. Baka si mama iyan.

James: sige

Pumunta sila sa pintuan at tinanong kung may tao ba.

James: mama, ikaw ba yan? Papa, ikaw ba yan?

Walang sumasagot pero tuloy parin ang pag katok. Binuksan ni James ang pinto ng dahan dahan. Ngunit pag tingin nya ay walang tao. Bigla silang natakot at sabay tumakbo papuntang kwarto.

Nang naka punta na sa kwarto dinara nila ang pinto at nagtago. Nag usap ang magkapatid.

Yula: kuya, bakit walang tao sa pinto?

James: ewan ko nga din ehh.

Yula: hala, baka ayun yung sinasabi ni ate na may naririnig sya.

James: talaga, bakit di mo samin sinabi?

Yula: kala ko kasi nagbibiro sya. Pero nakita ko, siya ay pawis na pawis at takot na takot.

James:dapat sinabi mo ito kay mama.

Kinabukasan, nang naka uwi na ang kanilang magulang. Dali- dali silang bumaba at sinabi ito agad.

Yula: ma, may narinig po kaming katok kagabi ngunit walang tao.

James: opo, natakot po kami kaya agad kaming pumunta sa kwarto.

Hindi naniwala sina Ren at John at sahalip tumawa pa ito.

Ren: baka naiisip nyo lang yan. Walang multo dito.

John: bakit namang may kakatok. Baka guni-guni nyo lng iyon. Wag nyo nang isipin yon.

Yala at james: pero ma, pa totoo po iyon.

Hindi inintindi ng magulang ang sinasabi ng mga bata. Nalungkot ang magkapatid dahil hindi sila pinaniwalaan.

Yula: kuya, ano ang gagawin natin.

James: ewan ko din.

Kinabukasan, pumasok sa school sina Yula at James. Ang asawa namang si John ay pumasok. Naiwan ang kanilang nanay na si Ren sa bahay dahil wala syang pasok. Maya maya, kahit hindi pa Gabi. May narinig syang katok. Akala nya ang anak nya ito at may naiwan na gamit. Binuksan nya ang pinto at sinabing:

Ren: ohh anak, ano nanaman anh naiwan nyo?

Ngunit nagulat sya dahil walang tao sa pinto. Hindi nya ito inintindi dahil akala nya may nag bibiro lang. Maya maya may narinig uli syang katok.

Ren: sino nanaman yan? Wag kayong magbibiro. Pag nakita ko kayo papaluin ko kayo.

Binuksan nya ang pinto ngunit walang tao. Tinignan nya na din ang buong paligid ngunit walang tao. Nagsimula na syang natakot. Naisip nya sng mga sinabi ng mga anak nya.

Ren: baka nga totoo ang sinasabi nila.

Nang naka uwi na ang mga anak nya. Tinanong nya ito.

Ren: diba sabi nyo kanina ay may narinig kayong katok sa pintuan.

Yula at james: opo, ngunit di naman po kayo naniniwala.

Ren: may narinig din kasi ako kanina.

Biglang dumating ang kanyang asawa at sinabi ni Ren ito sa kanya.

Ren: John, may narinig din akong katok kanina kagaya ng sinasabi ng mga bata. Tinignan ko ngunit walang tao.

John: baka sa tingin mo lang iyon dahil sa sinabi ng mga bata. Wag mo yun isipin. Wag ka maniwala sa mga ganyan. Gawa gawa lang yan. Baka may nag bibiro lang sayo.

Yula: pa, totoo po talaga iyon.

James: baka dahil po doon kaya nagka ganun si ate.

Hindi parin naniwala si John. Kinabukasan naman, day-off ni John at may pasok na si Ren. Sabay na umalis sina Ren,Yula, at James. Naiwan ang kanilsng tatay sa bahay. Nag aalala sina Ren,Yula at James kay John dahil naiwan sya dung mag isa.

Yula: Ma, pano si papa dun? Wala syang kasama

James: oo nga po. Baka may marinig sya.

Ren: oo nga ehh. Wag na natin yun isipin baka ma late pa kayo sa inyong klase.

Yula at james: sige po inay, halika na po. Sumakay na tayo. Baka ma late din po kayo.

ang tatay nila na si Joh ay nag lilinis ng kanilang bahay. Siya ay nag walis at nag punas ng bahay. Hanggang sa

Hanggang sa may narinig syang katok sa pintuan.

John: sino yan?

Tanong sya ng tanong kung sino ang kumakatok ngunit walang sumasagot. Tumayo sya at pumunta sa pinto.

John: Sino yan? Ano kailangan mo?

Wala paring sumasagot kaya binuksan na nya sng pinto. Pag ka bukas nya. Nagtaka sya dahil walang tao.

John: bakit walang tao? Sino kaya iyon? Siguro mga bata.

Nilibot nya sng kanilang bahay para tignan kung may bata. Ngunit wala naman syang nakita. Hindi nya inintindi ang kanyang narinig. Inisip nya na guni guni nya lang yon.

Maya-maya may narinig uli syang katok.

John: hay nako!!! Sino ba yan? Pag nakita kita humanda ka. Kung sino ka mang nagbibiro.

Pumunta uli sya sa pintuan ngunit walang tao. Pag bukas nya, biglang lumakas ang hangin kaya sinara nya na ito. Maya-maya bigla naman syang nakarinig ng naglalakad papalapit sa kanya. Bigla syang natakot at naniwala na sa sinasabi ng kanyang asawa at anak.

John: baka totoo nga ang sinasabi nila.

Makalipas ang 5 oras, dumating na ang kanyang asawa at anak.

John: may narinig din akong katok sa pinto.

Yula: sabi ko po sainyo ehh. Ayaw nyo pang maniwala.

Ren: siguro kailangan na natin umalis dito at lumipat na sa ibang bahay.

James: sige po ma. Ayaw ko na po dito nakaka takot.

John: sige, hahanap ako ng malilipatan natin.

Yula: sige po pa. Sana maka hanap na po kayo agad. Takot na takot na ako dito.

John: oo anak, hahanap na ako. Baka mga 3 araw makaka lipat na tayo.

Ren: ihanda nyo na yung mga damit nyo para sa susunod di na kayo maghahanda.

James: sige po ma. Pupunta na po kami sa taas at mag hahanda na.

Yula: sige po, alis na po kami.

Makalipas ang 3 araw. Naka hanap na si John ng malilipatan. Hinanda na nila ang mga gamit na dadalhin.

James: ma, ok na po ako. Nakuha ko na po ang mga gamit ko.

Yula: ako din po ma. Nakuha ko na po lahat.

Ren: sige anak. Ilagay nyo na Yan sa sasakyan.

Yula: sige po ma.

John: Ren, nakuha mo na ba ang mga gamit ni Jella?

Ren: oo, pati yung sayo at sakin nandun na sa sasakyan. Halika na. Umalis na tayo.

John: sige. Halika na. Pumunta ka na sa sasakyan.

Ren: sige.

Yula: ma, halika na na po dito.

Naka alis na sila at naka lipat na. Makalipas ang 3 linggo. Naka labas na ang kanilang ate na si Jella.

Yula: ate, welcome po.

James: welcome ate Jella.

Jella: salamat. Pwede ba ktabi kita sa pagtulog?

Yula: ok lang po. Sige po katabi po kita.

Ren: sige anak. Ilalagay ko na yung mga gamit mosa kwarto ni yula.

Jella: sige po ma. Salamat po.

John: mag pahinga ka muna anak. Wag ka muna mag kilos kilos.

Jella: opo pa.

Naging masaya na sila sa kanilang bahay. Naging malapit na silang lahat sa isa't isa. Wala nadin silang naririnig.

Finale❤️❤️

2
$ 0.00
Sponsors of Angel_183
empty
empty
empty
Avatar for Angel_183
3 years ago

Comments