He Who Loved The Moon

0 34
Avatar for AngelLeb
4 years ago

Read it while listening to music for better experience.

"The moon is such a fascinating thing. It gives light to the darkness of the night and hope to the darkness of life," he whispered while smiling widely.

He is sitting on top of his castle, appreciating the moon's light. It doesn't shine bright like the sun, but it's still beautiful on it's own.

His smile suddenly disappeared when he noticed a silhouette moving on his garden.

Bigla siyang kinabahan, kaya sinuot niya ang kan'yang balabal, upang matakpan ang kan'yang pagmumukha. Bumaba muna siya at naisipang lapitan ang anino na gumagalaw.

Nang makababa ay maingat siyang lumapit doon.

"Who are you? Show yourself!" He shouted

Bigla namang nagulat ang taong pumipitas sa kan'yang magagandang mga bulaklak.

Dahan-dahan itong tumayo at hinarap ang binata.

"Sorry, akala ko kasi wala ng nakatira sa palasyong 'yan," mahina nitong sambit at tinitigan ang palasyong sira-sira at maraming lumot.

Nakasuot din ito ng balabal kaya hindi makita ng binata ang pagmumukha ng dilag. Walang ilaw sa paligid, ngunit ang buwan ang sumisilbing ilaw sa kanila.

Nang marinig ang explinasyon nito ay tinalikuran na siya ng binata.

"Ano pala ang pangalan mo?" tanong ng dilag, ngunit tuloy tuloy lang ang paglalakad ng binata. Gusto niyang bumalik sa itaas at tignan lamang ang buwan.

"Ang ganda ng mga bulaklak mo dito."

Napatigil naman ang binata sa paglalakad at hinarap ang dilag. Nakatanggal na ang balabal nito at nakangiti itong nakatitig sa mga bulaklak na nasa basket niya.

Hindi siya nakagalaw.

Masayang tinitignan ng dilag ang mga bulaklak. Kumikislap ang mga mata nitong kasingganda ng buwan.

Ngumiti itong tumitig sa binata.

"Ako nga pala si Luna," nakangiti nitong sambit at inilahad ang kan'yang kamay.

Dahan dahang inabot ng binata ang malambot na kamay ng dilag.

"Helios."

"My name is Helios."

"Sige, Helios! Alis na ako ah? Salamat pala. Kung pwede sana, pwede ba akong bumalik dito bukas?" masiglang tanong ni Luna

"Sige."

Nakangiti itong umalis sa palasyo ni Helios, ngunit si Helios ay hindi pa rin makagalaw.

Hindi lang bulaklak ang nakuha nito, ngunit nabihag rin ng dilag ang puso nito.

Maraming araw ang nagdaan at gabi-gabi siyang binibisita ni Luna. Kumukuha siya ng mga bulaklak at kinakausap ang binata, ngunit ito'y walang kibo kundi tignan lang ang dilag.

"Bakit pala palagi kang may balabal? Mapagkakatiwalaan mo naman ako eh." pagtatanong nito, ngunit walang kibo ang binata.

Nakatayo lang si Helios at pinapanuod si Luna sa pagpipitas.

Wala pa rin itong sagot kaya tumayo na si Luna at lumapit sa binata.

"Nahihiya ka ba sakin?" tanong ulit ni Luna at dahan dahang nilapit ang kamay nito sa balabal ni Helios para kunin ito at ibaba, ngunit hinawakan agad ng binata ang kamay nito.

"Dont."

"Bakit?"

"Because I know. I know that when you see me, I will never see you again," he whispered.

Binitawan na ni Helios si Luna, pero ngumiti lang ang dilag.

"'Wag kang mag-alala. Alam kong kasing ganda ka ng mga bituin," nakangiti nitong sambit at noong hinawakan niya ang balabal ni Helios ay hinayaan lang siya ng binata.

Nang makuha ang balabal ay napayuko ang binata dahil tinitigan lang siya ng dilag. Alam niyang lalayo na ito sa kan'ya.

Alam niyang ang tingin nito sa kan'ya ay isang halimaw, katulad ng tingin ng mga tao sa kan'ya, ngunit hinawakan ni Luna ang pisngi nito at ngumiti.

Kita sa mata niya ang pagkagalak.

"Kasing ganda mo nga ang bituin."

Hinimas niya ang bahagi ng mukha ng binata na may malaking peklat.

"Nakuha ko 'yan sa isang sunog, ilang taon na rin ang nakalipas, ngunit ako lang ang nakaligtas sa apoy. Pinili akong iligtas ng mga magulang ko," malungkot itong saad

"Wala ka bang mga kamag-anak?"

"Ang pera ng mga magulang ko? Kinimkim nilang lahat, tapos pinaalis nila ako. Wala na raw akong kwenta," mapait nitong sambit at napatingin sa buwan.

Niyakap naman ito ng binibini at ang kanilang loob ay napalapit sa isa't isa.

Kinabukasan ay nagtanim si Helios ng isang napakagandang bulaklak. Gusto niyang ipaalam ito kay Luna kapag pumunta ito ulit sa kan'ya at kapag pwede na itong mapitas, ipagtatapat na niya ang kan'yang totoong nararamdaman. Naghintay siya buong gabi, ngunit hindi na nakabalik si Luna.

Araw-araw ay tumititig lang ito sa buwan, hinihintay ang binibini. Pinagmamasdan nito ang ganda nito dahil naaalala niya si Luna doon.

Araw-araw ay dinidiligan niya ang bulaklak at inaalagaan dahil alam niyang balang araw babalik at babalik ang binibini.

Ngunit isang taon na ang nakalipas, ni anino nito ay hindi na niya nakita.

Nawawalan na siya ng pag-asa kaya naisipan niyang puntahan ito sa bayan.

Ang binibini ang nagbigay sa kan'ya ng kumpiyansa sa sarili, kaya hinanap niya ito na hindi na tinatago ang kan'yang pagmumukha. Kahit marami man ang nangungutya sa kan'ya, alam niyang tanggap siya ni Luna.

Marami siyang tinanongan, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya bumalik nalang siya. Kahit kinakain na siya ng lungkot, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.

Kahit inaantok, palagi niyang hinihintay ang dilag.

Lumipas ang maraming taon at hindi na talaga bumalik si Luna.

Ang kan'yang bulaklak na napakaganda ay dumami, hinihintay lang ang binibini na kunin sila.

Bumalik ulit siya sa bayan at nalaman niyang binibenta ng dilag ang bulaklak para sa kan'yang pangkabuhayan, ngunit bigla itong nagkasakit at alam ni Helios na hindi na ito babalik sa kan'ya.

Pero alam niyang magkikita sila ulit. Hinihintay niya lang ang oras na kunin na 'rin siya at makasama si Luna.

Araw araw binibisita niya si Luna at pinapadalhan ng mga bulaklak na kasing ganda niya. Alam niyang masaya na ito kung saan man siya.

Nawala man si Luna, pero ang pagmamahal ni Helios sa kan'ya ay nandiyan pa rin.

Maraming taon ang lumipas at alam niyang oras niya na rin upang magsasama sila.

He who loved the moon became one with the stars.

-

Inspired ako sa story ng kantang 'yan. Parang gan'yan yung story kaso may iniba lang ako. Search niyo yung story ng smeraldo flower.

Credits pala sa mga pictures na kinuhaan ko.

4
$ 0.00
Avatar for AngelLeb
4 years ago

Comments