Repost Taal Volcano: Lightning Phenomenon

8 53
Avatar for Angel26
3 years ago
Topics: Volcanoes

"Red-hot lava gushed out of a Philippine volcano on Monday after a sudden eruption of ash and steam that forced villagers to flee and shut down Manila's international airport, offices and schools"

Ang Mt. Taal ang isa sa 24 active Volcanoes ng Bansa ayon sa PhiVolcs. Tinuturing ding isa sa pinaka-mapanganib na bulkan, na naka-locate sa Batangas. Ngunit ang hindi inaasahan ng lahat ay ang pagbabadyang pagsabog nito matapos ang huli nitong pagsabog noong 1977, 43 years na ang nakararaan.

Tinatayang higit 100 kilometro (62 miles) ang kasalukuyang na-apektuhan ng Taal Ash fall. Kabilang ang ilang bahagi ng Metro Manila dahilan upang ipasara ang ilang mga airport, at pag-kansela sa higit 500 na flights. Wala pang kompermasyon ukol sa kabuuang casualties ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

*Bakit may namuong kidlat doon sa bukana ng Mt. Taal, Astéri?

May mga kumakalat ding mga picture na nagpapakita ng tila kidlat sa bukana mismo ng Bulkang Taal. Ang Phenomenon na ito ay tinatawag na Volcanic Lightning o Volcanic Thunderstorm. Ito ay hindi nagmumula sa kalangitan o nabubuo sa normal na thunderstorm. Kundi ito ay nabubuo sa mga aktibidad na nangyayari sa loob ng Bulkan.

Napaka-madalang lamang kung ito ay mangyari. Pinatuyan ito sa mga pag-aaral ni Palmieri. Unang pinag-aralan ni Professor Palmieri ang Volcanic Lightning doon mismo sa Mt. Vesuvius sa mga naitalang pagsabog nito noong 1858, 1861,1868 at 1872.

*Paano nga na nabubuo ang Volcanic Lightning Astéri?

Ayon sa pag-aaral, nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasalpukan ng mga namumuong abo na inilalabas ng bulkan, na kung minsan nama'y mga yelo. Na nag-generate ng static electricity within the volcanic plume. At bilang resulta ay nakakabuo ng kidlat sa bukana ng bulkan.

Volcanic eruptions have been referred to as dirty thunderstorm due to moist convection and ice formation that drive the eruption plume dynamics and can trigger volcanic lightning.

*Ang Volcanic Lightning ay isang palatandaan ng nalalapit na Pagsabog ng isang Bulkan.

Sa kasalukuyan, Ashfall pa lamang ang nangyayari sa kabuuan ng bansa. At hindi pa natatapos ang pagsabog ng Mt. Taal. Ang huling impormasyon na aking nakuha ay itinaas na sa ika-apat na alarma (4TH ALERT LEVEL) ang Mt. Taal. Nangangahulugan lamang na anumang oras ay maaaring pumutok ang nasabing bulkan. Na magdudulot ng mas malaki pang pinsala tulad ng pagdaloy ng mainit na Lava at Magma.

13
$ 0.01
From 1 contributor
Avatar for Angel26
3 years ago
Topics: Volcanoes

Comments

Good to seee

$ 0.00
3 years ago

Yeah

$ 0.00
3 years ago

Can i have a tip?

$ 0.00
3 years ago

Grearlt

$ 0.00
3 years ago

Can i have a tip?

$ 0.00
3 years ago

Thanj

$ 0.00
3 years ago

Nice article

$ 0.00
3 years ago

Thank you can i have a tip?

$ 0.00
3 years ago