Pilipinas aming bansa
Ikaw noon ay masagana
Panahong kamiy mga bata
Lubos mo kaming pinaligaya
Panahong dekada sitenta
Kamiy laman ng kalsada
Walang away walang gulo
Bata lamang ay naglalaro
Masaya ang pilipino
May pyestat palaro
Sa dagat ay naliligo
Magkakapitbahay nagkakasundo
Lumipas ang taon
Pilipinas ay nagbago
Puro away at gulo
Mga taoy naging aggresibo
Anong nangyari sa tao
Dahil ba sa teknolohiya?
O sa gobyerno?
Pilipinas sobrang gulo
Mapanghusga mapang api
Mga pilipinong ganyan ang ugali
Sa social media natuto mangutya
Pati mahirap inaapi
Nooy matanday nasusunod pa
Ngayon ang batas ay pangbata na
Akala ko ba ang mga kabataan
Syang pang asa ng bayan
Bakit sila pa ang sumisira ng ating bayan
Natuto magdroga natuto magsugal
Pag mumura nilay pinagmamalaki
Pati sa magulang sinasabi
Bakit ganito ang nangyayari?
Sino ba ang may mali?
Gobyerno o magulang?
Akoy naguguluhan
Ano na ang ating kahihinatnan
Ano na ang mangyayari
Ngayoy pagsubok ay dumating
Pandemyang malubha
Pilipinas ay nahihirapan na
Ngayon akoy may tanong pa
Kaso ng Covid ay lumalala na
Gobyerno lang ba ang may sala
O pati tayong mamamayan nila
Gobyernong makasarili
Pera tumatakbo sa kanilang isip
Nagpapatupad ng batas para sa sarili
Upang mahihirap ay kanilang mahuli
Intsik na sakit ay dala
Sila ang malalaya
Pilipinong humihingi ng simpatya
Sa kulungan sila ay pinatira
Gobyerno din ay malihim
Estado ng pilipinas ay sinarili
Pademyay lumalala
Bakit silay nagsisisihan pa
Oo gobyerno ay may sala
Pero ikaw ordenaryong pilipino
Tinanong mo ba ang sarili mo?
Ano ang kasalanan mo?
Simpleng utos ay di nasusunod
Labas doon labas dito
Stay at home mga pilipino
Upang sa libingay walang sumunod
Di gobyerno ang nahihirapan
At lalong di kayo ang nahihirapan
Alam nyo kung sino ang hirap?
Mga frontliner sainyoy nagseserbisyo
Silay pagod at malungkot
Dahil sa buhay ay di sigurado
Maari sila ang susunod
Sa libingan na blanko
Please wag maging makasarili
Upang sakit ay di dumami
Frontliner ay isipin
Sisihan at itigil
Kayoy matatanda na
May isip at nakakaintindi na
Simpleng utos ay sundin na
Dahil hindi kayo ang nakakawawa
Oh pilipinas aming mahal
Kaming pilipinoy makakasalanan
Puro gulo at sisihan
Sanay ito ay may katapusan
Nice, this is timely.