RAPID TESTING vs SWAB TESTING
Rapid test - Kinukuhaan ng dugo sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom sa isang parte ng daliri sa kamay.
Swab test - May ipapasok na isang cotton swab sa isang butas ng ilong at tsaka ito ay kakayudin para makakuha ng kaunting parte ng likido o laman sa ilong.
Hindi po lahat ng nagpositibo sa rapid testing ay positibo na sa COVID19, isa lamang po itong test para sumailalim sila sa susunod na test which is ang swab testing. Dito makikita kung positive sa Immunoglobulin M o G ang isang pasyeng hinihinalang may Covid. Meron lamang po silang sintomas katulad ng sa Covid. Pero hindi sila itinuturing na Covid patient.
Kaya't wag po sana natin husgahan yun mga nagpositibo sa Rapid testing para maiwasan ang pagkakaroon ng pangamba at ang tinatawag na diskriminasyon sa kapwa natin, huwag tayong mapanghusga at wag po natin pangunahan ang mga namumuno saatin kay mga eksperto po pagdating sa mga gnyang klaseng kaso, hindi lahat ay may nalalaman pagdating sa ganitong sitwasyon.
Ang kailangan po nila ay dasal para sa kanilang kaligtasan para po paglabas ng resulta ng kanilang pag swab testing ay mag negatibo sila. Respeto kung sila ay magpositive upang hindi pang hinaan ng loob. Huwag na po tayo dumagdag sa mga taong pasaway na laging nasa labas, walang ginawa kundi lumabas pero wala naman ginagawa kundi ang makipag-kwentuhan at sumagap lang ng chismis. Ang kailangan po natin ay magpalakas ng Immune system uminom ng vitamins... ugaliing magsuot ng face mask iyan lang malaking constribution na sa upang hindi na lumaganap ang pesteng virus... Ingat po sa lahat magdasal para sa kalusugan ng bawat isa, walang tao ang gustong magkaroon ng virus! STAY AT HOME Please! 🙏🙏🙏
Basa po at intindihin nang mabuti
Ctto: Anonymous....
Prng mas bet ko nlang ung rapid test kasi ung kasi ung swab parang ang sakit ang haba ng ipapasok s ilong mo