Philippine News

0 2
Avatar for Andrei
Written by
3 years ago

Posted at Jun 11 2020 10:29 PM

Patay ang isang lalaki matapos umanong barilin ng kasama sa loob ng sinasakyang van sa Brgy. Talipapa, QC (QCPD Station 3)

1

9:14 PM - Jun 11, 2020

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kaniyang kasamahan sa loob ng sinasakyang van sa Barangay Talipapa, Quezon City Huwebes ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Gabriel, hepe ng Quezon City Police District Station 3, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila pasado alas-5 ng hapon upang i-report ang insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng gray van ang biktima nang barilin ng kaniyang kasamahan sa loob ng sasakyan.

Nakatakas ang salarin at nakuha sa crime scene ang isang basyo ng bala ng baril.

Ayon kay Gabriel, tinutukoy pa ang motibo sa krimen.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima. Tinitingnan naman kung may CCTV footage sa lugar.

2
$ 0.00
Avatar for Andrei
Written by
3 years ago

Comments