Promise

0 12
Avatar for Amirill.5
3 years ago

"I'll never let you go." he said as he offered a hand to me.

~~~~~~

The sound of the bell envelopes the whole campus. Nagsilabasan ang mga estudyanteng sabik na sabik maglakwatsa o makapagpahinga sa bahay nila. "Babalik ka na naman doon?" tanong ng isang babae sa lalaking  nagliligpit ng kanyang kagamitan. "Please, itigil mo na." maiyak- iyak na sabi ng babae. Hindi siya sinagot ng lalaki sa halip nilampasan nalang siya nito at iniwang nakatunganga mag-isa.  

Kahit na sa masamang pakikitungo ng lalaki sa kanya sinundan niya pa rin ito sa patutunguhan nito wala eh mahal niya.

 Tahimik na naglalakad ang dalawa hanggang sa biglang sinira ng lalaki ang katahimikang namamayani sa kanilang dalawa. "Bakit mo ako iniwan? Nangako ka." natigilan ang babae sa tanong ng lalaki. Biglang nagbalik sa kanya ang lahat ng alaala nilang dalawa. 

Sa unang pagkikita, "Waaaahhhh!' sigaw ng isang babae mula sa storage area kaya dali-daling nagtungo ang lalaki para tulungan ito. "Anong nangyari dito?" "May blue na ipis!" sabay turo sa ipis. Nilapitan ito ng lalaki at biglang kumunot- noo. "Laruan lang. Tsk." Sa asaran, "Ang pangit mo haha." "Mas pangit ka. Tsk." Sa pagiging magkaibigan, "Peksman?" "Oo nga. Ang kulit." Sa isang pangakong ayaw mapako, "Dito lang ako sa tabi mo palagi. Hehe." sabay akbay ng babae sa lalaki. "I'll never let you go." the boy said as he offered his hand to the girl. The girl accepted his hand gladly. "Promise?" "I promise."

HIndi namalayan ng babaeng nakarating na sila sa papatunguhan ng lalaki. "Ngayon sabihin mo ang dahilan kung bakit mo ako iniwan."

Walang maisagot ang babae. Tanging iyak lang ang magagawa niya. Nagsimula na ring umiyak ang lalaki sa harap ng isang bato sa bato kung saan nakasulat ang pangalan ng kaisa-isa niyang kaibigan. Ang kauna-unahang babaeng minahal niya.

"Please, let me go." umiiyak na sabi ng babae habang nakatingin sa lalaki at sa puntod.....niya.

"I'll never let you go as what I have promised." 

END

1
$ 0.00
Avatar for Amirill.5
3 years ago

Comments