Bakit???

2 10
Avatar for Amber.Haze
3 years ago

Anong oras na... Madaling araw na pala. Simula na naman ng panibagong umaga. Bakit gising ka pa? Ang mata ay dilat na dilat at ang antok ay kay ilap. Isip ay pagod at paikot ikot. Sa bawat araw na lumilipas patuloy lang ang pag takas.

Bakit nga ba? Sa kabila ng dusa patuloy na umaasa. Manganib man ang buhay, patuloy pa rin ang tibay...

Bakit ganito? Oo totoo, ang buhay ay mapaglaro. Minsan tayo'y natatalo. Bangon lang at wag sumuko! Dahil hindi lahat ng ito ay mananatili sa mundo.

Ang dilim ay lilipas at liliwanag ang bukas!

4
$ 0.00

Comments

Suportahan ang sariling atin.♥️

$ 0.00
3 years ago

Tama!!! Lets push each other up!

$ 0.00
3 years ago