Every time na matutulog ako,i felt nervous,sometimes I am afraid.siguro dahil baka mapanaginipan ko ang isa sa mga mahal ko sa buhay.Hindi isang simpleng panaginip lang kasi ang nangyayari kapag ako ay nanaginip.Minsan naguguluhan ako until now,kasi walang kasagutan kong bakit ako ganito.May misyon ba ako???
Bago ang araw na mamatay ang aking kapatid na lalaki.I saw him in my dreams,ang mukha na sobrang lungkot,tapos naglalakad sya palayo sa akin.Habang tinatawag ko sya sa panaginip,bigla syang naglaho.saka ako nagising.after 1 day ng mapanaginipan ko yon.Gabi habang nakaupo ako sa aming sala.biglang sumama yong pakiramdam ko..parang ang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag.Tapos nag ring yong phone ko.Sabi sa akin ng mama ko nag suicide daw yong kapatid ko.Sobrang nagulat ako.Hindi man lang ako nagkwento ng napanaginipan ko kasi nga sabi ko panaginip lang naman.Di ko akalain na may mangyayari sa kapatid ko.Panay iyak ko umuwi ako sa amin kasi may sariling pamilya na din ako.
Naalala ko bata pa ako,siguro mga 8yrs old ata yong edad ko noon.Nanaginip ako,hindi lang basta panaginip.Nagpakita sa aking panaginip si Papa Jesus...nasa sementeryo raw kami.Wala naman syang binabanggit sa akin basta nakita ko lang sya na nagliliwanag sa gitna ng sementeryo.Nang biglang lumapit ako sa kanya.naglaho na parang bula tapos biglang nagising ako.
Feeling ko yong panaginip ko nong bata ako tapos yong mga panaginip ko ngayon ay may connection.Hindi ko lang alam kung bakit sa dinami dami ng tao dito sa Mundo bakit ako pa yong may ganitong kakayahan and natatakot ako.
Sunod na panaginip ko yong isa ko na naman na kapatid na lalaki uli.Nakita ko sya sa aking panaginip na nagpapa alam sa akin.Ang lungkot ng mukha,ang sabi ng kuya ko sa aking panaginip ay mauuna na raw sya.Tapos nagising na naman ako.Bigla akong kinabahan kasi naalala ko yong nangyari sa isa ko pang kapatid.Yong mga panahon kasi na yon,ay mayroong sakit nga ang kuya ko.Sa kanyang liver.Palainom kasi and palakaibigan,sobra din kung makisama.
Kinaumagahan,pumasok ako ng trabaho.Saturday noon at kinabukasan pa yong day off ko.Crew kasi ako non sa isang Mr.donut,medyo baguhan palang and kilangan talaga mas husayan ang work para hindi mapagalitan.Pero nong time na yon siguro mga 10am,iksakto namang break time ko.Kinuha ko yong phone ko at merong message yong ate ko.Ang sabi nya kilangan ko raw umuwi sa amin.importante raw.Nagtaka ako,tinanong ko si ate kung bakit.Yon nga biglang tumawag si ate ko and ang kumausap sa akin.Yong kuya kong may sakit.Ang sabi sa akin ni kuya umuwi raw ako nong time din mismo na yon kung gusto ko pa raw syang makita na humihinga.Sabi ko naman paano naman kuya naka duty ako at kinabukasan pa yong day off ko.Hanggang sa sinabi ng kuya ko hihintayin kita,tapos biglang binaba yong phone.Iyak na naman ako,sabi ko bakit ganito kapag nanaginip ako may nangyayari ,parang ayaw ko na talaga managinip.Nakita ako ng Visor namin na umiiyak kaya pinayagan nalang ako makauwi sa amin.Di na ako nag palit ng Uniform.Tinawagan ko yong asawa ko na sunduin ako dahil uuwi kami.
Siguro nakarating kami sa bahay mga 11am na siguro,20mins din yong byahe.Pagdating ko nga sa bahay,nakita ko si kuya ko nakahiga.Unang sabi sa akin.Nene bilhan mo nga ako ng Yelo.Inutusan ko yong asawa ko para bumili.Ang akala ko iinumin nya.Habang hinihintay nga namin yong yelo,inutusan uli ako ng kuya ko na kumuha ng colgate at toothbrush kasi raw matagal nya ng hindi ginagawa.Sinunod ko naman kasi baka yon yong makakapag pagaan ng pakiramdam nya.Nang dumating na nga ang asawa ko.Pinalagay nya yong yelo sa petsil.at pagkatapos ibinuhos nya sa buong katawan.Nagulat ako,ang sabi nya sa akin.sobrang init daw.Yon na pala yong huling lambing sa akin ng kuya ko.
Lumipag ang ilang oras,mga 3pm hinawakan nya yong kamay ko.sabi nya sa akin.Nene thank you sa lahat ng tulong mo.Hanggang dahan dahang nawawala ang kanyang paghinga.Iyak ako ng iyak.Sa isip ko bakit ganon lahat ng mahal ko sa buhay kapag ganon yong panaginip ko namamatay.
Ilang taon ang lumipas akala ko tapos yon.Sa isip ko baka nagkataon lang yong panaginip ko.Hanggang sa mapanaginipan ko yong kapatid ng asawa ko.nakahiga raw sya at nahihirapan ng huminga.Sabi sa akin sa panaginip,nahihirapan na raw syang huminga.Bigla uli akong nagising.Medyo may sakit na nga noon yong brother in low sa lungs pero nakakapag work pa kaya hindi ko inakala na magkakatotoo uli yong dreams ko.
1 week ago biglang isinugod sa hospital yong brother in law ko.Nahihirapan raw huminga.Isang araw lang sa hospital and namatay nga.Sobrang lungkot ko.Hindi ko alam kung paano ipaliwanag sa asawa na kapag nanaginip ako ng ganon,may nangyayari.Alam ko naman na maniniwala sya kaya lang namatayan din sya ng mahal sa buhay kaya baka hindi nya ako maintindihan.
Hanggang ngayon,may tanong sa aking sarili kung bakit ako ganito.
Thank you so much read.cash.I hope na magustuhan nyo po ang aking True story.
Thank u so much Filipino Readers to aproved this platform.i appreciated.