PAPAK PA MORE :) Ang hirap kainin pag ganito ka liit yong crab hahaha mas bet ko yong sa mukbang hahha peru no choice wag mag inarte dahil bigay lang yan.. Super creamy niya ang sarap papakin well hindi na ako nag kanin kasi kanina pa ako nag lunch ei..pinapak ko nalang habang nag iingay dito hahah Kumakain din ba kayo nito mga ka noise masarap naman siya peru hassle kainin.pag ganito ka liit hahah well blessing to kaya wag tanggihan.. Husband ni sis ko kasi afterwork sa gabi pumapalaot na eenjoy naman daw niya may mga shell pa silang nakukua libre lagi ulam nila talagang mahilig sila sa seafoods kaya kung maraming kuha binibigyan kami nang luto na ready to eat na hahah ka swerte talaga.. Anyways medjo okay na ako ngayon salamat sa mga concern niyo mga kaingay.. @Amara89
7 comments
Natakam naman ako sis. Parang bet ko tuloy magluto ng ganyan.
hehe try mo sis masarap siya lalo na siguro kong may kanin kaso di ako nakapag kanin dahil nong dumating yan tapos na ako mag lunch:)
Ang sarap nito sis mapapadami ang kanin kasag at lambay tawag nito sa probinsya namin :) maalala ko ito laging ulam namin noon kabataan pa kasi ito hanap-buhay ng papa ko manghuli ng alimango o ganito. Kaya ito laging nauulam halos araw-araw iba ibang klaseng luto para hindi magsawa hindi kami nakakaulam ng alimango kasi binibenta namin :)
Dahil nasa Bataan ako, ka-noise, lagi kaming meron niyan sa hapag kainan, masarap magpapak kasi niyan.
talaga ka noise,masarap nito yong mga malalaki noh kapag ganito kasi ka liit naku hirap himayin puro sipsip ang nagaggawa hahaha
Masarap din khit maliit basta mataba, malaman non.
wow sarap nman hehehe