RUMARAKET KAHIT PUYAT Nagising ako sa bulyaw nang tinig nang aking partner kanina madaling araw agad ako napabalikwas kasi nga late na din ako natulog kagabi kaya parang wala ako sa sarili nong bumangon akala ko may nangyari kaloka talaga to si partner gulat ako. May delivery pala siya kaya late na siya nakauwi dahil inantay pa niya yong bagahe bale naka toka sa kanya yong bagage na yon at lahat nang worker doun sa airport binibigyan nang pagkakataon maka raket depende din kung gusto mo rumaket may mga bagahe kasi na pinapadeliver nang mga passenger kumikita sila depende din sa layo nang lugar so since kapos kami sa budget push na ni partner.. Bukidnon daw destination nong bagahe kaya until now hindi pa siya nakauwi 5am siya umalis kaya medjo may araw bl na 11:25am na wala pa din siya medjo malayo talaga peru kinakaya para sa pamilya ganito muna systema namin soon kapag okay na ang lahat pwede na siyang hindi rumaket para din makapagpahinga siya sa pagod at puyat i cclaim ko yan in God's perfect time.. Kumusta mga kaingay ano din ba raket niyo ngayong araw hehe ako katatapos lang maglaba kaya napasilip nang kunti @Amara89
11 comments
Mabuti masipag si hubby sis blessings na rin yan may raket dagdag income. Nabusy ako ngayon sis now lang nakasilip birthday Ng panganay naghanda lang ako Ng kaunti.
Pagod din sa work niya si hubby mo ka-noise. Pero ganiyan naman talaga, Wala namang work na hindi pinagpaguran. Ang mahalaga meron tayong reg source of income. Enjoy your day, ka-noise!
Well sa bagay my point ka jan ka noise lahat nang bagay bago mkuha pinagpaguran ika nga wala nang libre hehe thank you ka noise
pede pala ipadeliver ang bagahe. di kaya natatakot mga may ari bka may mawala. tapos papagbintangan ung nagdala ng bagahe nila
Ou pwde depende sa passenger kung want niya papadeliver safe naman yan ka noise kasi naka lock yan at nakabalot pa ang maleta sa plastic
ah ok. may mga courier din kc na alam mo na medyo pasaway hehe
Siguro sa mga online yun sissy hehe iba kasi mga aviation security kasi sila sa airport hindi nila dudungisan trabho nila na orient sila jan tska hirap humanap nang trabho noh ipagpalit lang ba nila sa kakarampot na kita sa raket heheh
ah ok. sabagay. mahirap mawalan ng work now. noon kc may mga nababalitaan ako , na pinapakialaman ang mga bagahe.
Sa airport din ba Sissy siguro meron nga di talaga maiwasan ang ganyan sissy ako madalas makarinig sa mga online selling lang peru sa airport hindi pa naman iwan ko lang dati sis baka meron nga
dti pa nman un. sa mga news. di rin talaga mawala mga kolokoy. mga gusto lang manlamang.
Ung nabigla kalang nagising tapos lutang pa hehe, nangyari narin sakin haha.. Ganyan talaga ang buhay kung hindi tayo kikilos walang mangyayari.. Kaya hanggat may pagkakataon grab na agad kesa maging bato pa, basta lagi mo lang siya paalalahanin na mag ingat sa lahat nang bagay at pray din bago magbyahe para me gabay.