Mag dadalawang taon na, simula noong sinagot ko ang nobyo ko ngayon. Sa loob ng halos dalawang taon ang dami kong naranasan at naramdaman. Hindi ako sigurado sa pananaw ng iba, pero para sa akin, totoo pala, totoo palang parte ng isang relasyon ang masaktan kahit pa gaano niyo kamahal ang isa't isa. Hindi maiiwasan magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, pero sa huli mananatili pa rin manaig ang pag ibig.
Sa unang dalawang buwan ng aming relasyon ay walang nakakaalam, itinago namin sa lahat lalo na sa pamilya ko. Pero sa pagtatago namin ng dalawang buwan, napagtanto ko pa rin mahal niya talaga ako. Bakit? Ilang beses niyang sinubukan sabihin sa pamilya ko ang relasyon namin kahit na may kaba sa kaniya dahil sa takot na nararamdaman niya sa magulang ko. Noong araw na kikitain namin ang mama ko, nagbilin ako sa kaniya na wag aaminin ang relasyon namin. Pero noong makarating na kami, habang kausap niya ang mama ko, bigla nalang siyang nagsorry at sinabi sa mama ko ang totoo. Sa oras na 'yon, grabe ang kaba ko pero nagulat ako noong ngumiti ang mama ko at sinabing nasaya siya dahil sinabi ng aking nobyo ang totoo.
Pagkatapos noon, habang tumatagal mas lalong nagiging maganda ang relasyon namin.
Bago ko siya sinagot, lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ko ay sinabi ko. Sinabi ko dahil gusto kong malaman kung ipagpapatuloy niya pa rin ba kahit nalaman niya na lahat ng pangit na karanasan ko. Pero nanatili siya sa kung paano niya ako mahalin, hindi siya nagbago. Sa kabila ng lahat ng pinaalam ko sa kaniya ay mas lalo ko pang naramdaman na mahal niya ako.
Pero sa hindi inaasahan, may hindi magandang pangyayari ang dumating sa amin.
May susunod...